Monday , October 2 2023

Tourism at food business workers, sunod bakunahan

NANANAWAGAN ang isang advocacy group na kung maari pagkatapos ng frontliners ay sunod bakunahan ang mga manggagawa sa turismo at food business.

Ayon kay Edmund Mayormita, tagapagsalita ng Grupong Turismo, Isulong Mo, “gusto ng pamahalaan na buhayin agad ang ekonomiya, definitely tourism is the fastest way kasi isang taon nakakulong sa bahay ang mga tao and surely they want to go somewhere else.”

“Sigurado maeenganyo ang mga turista lalo mga local tourist na pumunta sa isang pasyalan kung alam nila na hindi sila mahahawa ng mga workers doon dahil nabakunahan na sila,” dagdag ni Mayormita.

Aniya, “Siyempre kapag may pasyalan may mga kainan kaya kailangan din mabakunahan ‘yung mga nasa food sector.”

Magpapadala ng liham ang grupong turismo sa Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong linggo para iparating ang kanilang kahilingan.

Kapag makita ng mga tao na nabakunahan na ang mga tourist spot workers tiyak dadagsain na naman ng mga tao ang tourist destinations sa bansa lalo’t papalapit na ang summer dagdag ni Mayormita.

Ang turismo isulong mo ay kinabibilangan ng libo-libong manggagawa sa tourism industry mula sa tourist guides hanggang sa mga bankero at mga masahista.

About hataw tabloid

Check Also

SM 65 1 Feat

Experience Super-Sized Fun at SM’s 65th Anniversary this October

It’s October and it only means one thing at SM Super-Month! Suit up for some …

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *