THIRTY three years old na pala si Bea Alonzo, kaya pala biglang ipinagtapat n’ya ngayon na 15 years ago, inisip n’ya na sa edad 28 dapat may asawa at mga anak na siya.
Pagtatapat n’ya sa latest vlog nya: ”Ngayon lahat ng peers ko, halos lahat sila about to get married, or they’re already married, and they have kids.
“’Pag inisip ko, I wouldn’t have guessed noong time na ‘yon, 15 years ago, na ako ‘yung huling-huling mababakante.
“I’ve always thought I’m the marrying type.”
Nagsalita kamakailan si Bea sa kanyang YouTube video, kasama ang naging leading man n’ ya noon na si Ian Veneracion sa ABS-CBN prime-time series na A Love To Last noong 2017.
Sa nasabing huntahan, tinukso ni Ian si Bea na mas bagay sa aktres na magkaroon ng anak kaysa magkaroon ng asawa.
Ang basa raw ng aktor kay Bea, ”A child would improve the quality of your life, a marriage wouldn’t.”
Deretsahang sagot naman ng ex-girlfriend ni Gerald Anderson at pinagsususpetsahang girlfriend na ng inactive ABS-CBN actor Dominic Roque: ”Actually, I want to have a partner for life. I want to have someone to be there to raise a family, build a life with.
“I just want a boring life, a boring family life.”
Mabilis n’yang dagdag na ngayon ngang alam ng marami na 33 na siya: ”Siguro push natin hanggang 35.”
Kahit na ayaw nga n’yang aminin na may relasyon sila ni Dominic, iginiit naman ni Bea na: ”Relationhips are hard work.”
Umamin siya na may tendency siyang maging dependent sa karelasyon. Aniya: ”Pag matatapos na ‘yung work, I look forward to seeing that person.
“And sometimes it scares me kasi, parang feeling ko, ‘Shucks, eto na naman. Magiging dependent na naman ako.’ And it shouldn’t be that way.
“I’m actually giving that person the license and the power to hurt me.”
Pinayuhan naman siya ni Ian na magkaroon ng kompiyansa sa sarili para madaling makabangon sakaling hindi magtagumpay ang relationship.
Sinang-ayunan ito ni Bea dahil aniya, ”I have myself to go back to.”
Sa sagot n’yang ‘yon, mukhang handa na talaga siyang mabansagang ”matandang dalaga.”
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas