Tuesday , October 8 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Endorsement visa sa DFA iimbestigahan rin ba ni Sen. Risa Hontiveros?

SA KABILA ng mga batikos na lumalabas sa social and print media tungkol sa pagluwag ng Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs (DFA-OCA) sa pagbibigay ng kanilang endorsements sa sandamakmak na Chinese nationals upang makapasok sa bansa, mukhang tuloy-tuloy pa rin sa kanilang ‘nadiskubreng’ raket ang DFA-OCA.

Kabi-kabila ang mga Chinese nationals na nagre-request ng sponsorship  na ang makikita sa pasaporte ay 9(a) visa lamang.

Para sa mga hindi nakaaalam,  ang 9(a) visa ay iniisyu para sa mga turista.

Alam naman ng lahat na hindi pa pinapayagan ang pagpasok ng mga turista sa bansa ngayong panahon ng pandemic.

Sa totoo lang hindi natutuwa ang mga opisyal ng BI Port Operations Division (POD) sa nangyayari dahil ang immigration officers sa airport ay hindi kombinsido na potential investors ang nasa harapan ng counters nila tuwing dumaraan for assessment.

Ito ang pilit pinalalabas na dahilan ng DFA-OCA sa pagbibigay nila ng endorsements or exemptions para payagang makapasok ang Chinese tourists sa ating bansa.

Wala rin nakaaalam kung ‘legit’ ba o baka non-existent ang mga kompanyang tumatayong sponsors.

Sa ngayon ay wala silang magawa kundi payagan ang karamihan sa mga inendoso ng DFA-OCA dahil bitbit nila ang requests for exemptions  na ipinamumukha sa kanila.

Ano naman kaya ang say ng opisina ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra tungkol dito?

Magsasawalang-kibo na lang kaya siya sa mga obserbasyon ng kanyang mga tauhan sa airport?

Ngayong nasa ‘beast mode’ na ulit si Senador Risa Hontiveros na busalsalin ‘este bulatlatin ang anomalya sa pagdagsa ng Chinese nationals sa bansa. Sabi nga ng Senadora, gaya ng CoVid-19 UK variant, ‘nag-mutate’ na rin ang ‘pastillas modus’ sa panibagong anyo.

‘Yan dapat ang busisiin ni Senadora Risa, ang sandamakmak na endorsement ng kapwa mambabatas niya at politiko para mabigyan ng visa ang mmga mainlander Chinese.

Inaasahan din na muli na namang makatitikim ng ‘sisi’ at ‘sermon overload’ ang mga opisyal sa airport dahil sa pagdating ng mga nasabing Intsik.

Magiging katanggap-tanggap ba kay SOJ Guevarra na ang ahensiya na nasa ilalim ng kanyang Kagawaran ang pagbuntunan ng sisi?!

Tama ang suggestion ng ilang eksperto na buwagin na ang itinayong Inter-Agency Task Force dahil hindi ito epektibo!

Nang sa gayon ay bumalik sa dating proseso sa Immigration na walang ibang pagbabasehan o magdidikta sa mga primary and secondary officers sa airport kung sino ang dapat at hindi dapat na papasukin sa bansa.

Itigil na ‘yang pag-iisyu ng DFA-OCA sa endorsements at exemptions na ‘yan na ginagawang sideline umano ng ilang mambabatas maging ng ilang politiko!

Konting hiya naman!

Pati ba ‘yan papatusin n’yo pa!?

17 CHINESE
NATIONALS
‘HINARANG’
SA NAIA

HINDI pinayagang pumasok sa bansa ang 17 Chinese nationals na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos pagdudahan ng BI Travel Control Enforcement Unit (TTCEU) ang kanilang pakay sa pagpasok sa bansa.

Sakay ng Pan Pacific Airlines mula sa Zengzhou, China ang 16  Chinese national kung. Nakalagay sa kanilang dokumento na sila ay ‘sponsored’ ng isang telecommunications company na nakabase sa Filipinas.

Ayon kay Immigration Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr., hindi na-establish ng mga banyaga ang kanilang pakay sa pagdating sa airport. Kulang din ang kanilang dokumento na makapagpapatunay na sila ay talagang konektado sa naturang telecommunications company.

Nagkawindang-windang din ang kanilang statements matapos silang sumalang sa interview ng TCEUs.

Samantala, bukod sa 16 Chinese nationals, isa pang kababayan nila ang na-intercept sa NAIA Terminal 2 sakay ng Philippine Airlines flight mula sa Bangkok, Thailand.

Ayon sa ulat, konektado raw sa kompanya ng isang solar energy ngunit wala rin maipakitan pruweba na susuporta sa kanyang paliwanag.

Ang 17 Chinese nationals, ay agad isinakay pabalik sa kanilang pinanggalingan at inirekomendang isama sa blacklist record ng ahensiya.

Muling nagpaalala si Immigration Commissioner Jaime Morente sa mga duty immigration officers na maging masigasig at matalino sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mga bantay sa lahat ng international ports sa bansa.

Bagama’t patuloy pa rin na ipinaiiral ang mga travel restrictions, nariyan pa rin ang mga foreigner na nagpipilit pumasok sa bansa bilang turista pero ang tunay na pakay ay magtrabaho.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Sipat Mat Vicencio

Laban ni FPJ:  Inumpisahan ni Grace, tatapusin ni Brian

SIPATni Mat Vicencio NAGSIMULA ang ‘laban’ ni Senator Grace Poe nang bawian ng buhay ang …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors muling nag-hari sa Blumentritt

YANIGni Bong Ramos MULI na namang namayagpag ang mga vendor sa kahabaan ng kalyeng Blumentritt …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *