Monday , October 2 2023

Mayor Oca naghain ng cyber-libel vs 5 konsehal (‘Fake news’ insulto sa proyekto)

HATAW News Team

GERA na ito.

Tila inihuhudyat ng paghahain kahapon ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ng kasong cyber-libel ang gera laban sa limang miyembro ng Caloocan City Council dahil sa malisyoso at paulit-ulit na pagkutya sa proyekto ng pama­halaang lungsod tungkol sa digital tablet para sa mga mag-aaral ng Grade 9-12 sa mga pam­publikong paaralan ng syudad.

Isinampa ni Mayor Oca ang reklamo sa Caloocan City Prosecutor’s Office upang korte na ang umurirat kung may ‘katotohanan’ ba sa ‘fake news’ na ikinakalat ng mga konsehal na sina Rose Mercado, Carding Bagus, Alex Mangasar, Alou Nubla, at PJ Malonzo na sinabing lumabas sa mga social media accounts.

“Kung ako lamang ang sinisiraan ng aking mga kalaban sa politika ay maliit na bagay iyan. Sanay na tayo sa mapanirang-puring mga kalaban sa politika. Ngunit, ang malisyosong sirain ang isang maka­buluhang proyekto ng siyudad para maka­tulong sa edukasyon at pag aaral ng mga batang taga- Caloocan sa pana­hon ng pandemya ay hinding-hindi ko papaya­gan,” pahayag ng alkalde.

“Ang proyektong pamamahagi ng digital tablets ay sumailalim sa masusing bidding at ating tiniyak na tama at maayos ang lahat ng digital tablets na binili ng pamahalaang lungsod ng Caloocan,” paliwanag ni Mayor Oca.

Kampante ang alkalde na madali niyang mapapatunayan sa korte na maayos at malinaw ang naging proseso sa pagkuha ng tablets, kontra sa alegasyon ng mga konsehal.

Nag-ugat ang isyu matapos maglabas ng video sa social media ang limang konsehal, at pinalalabas na mas mababang klase ang binili ng pamahalaang lungsod na 4G at LTE capable tablets kompara sa isang model na 3G capable digital tablet, na ayon sa kanila ay dapat binili para sa mga mag-aaral ng lungsod.

“Tayo ay nagsampa na ng habla laban sa mga indibidwal na walang awang ginagamit ang panahon ng pandemya para sa political mileage. Korte na ang huhusga at maggagawad ng hustisya,” ani Mayor Oca.

 

About hataw tabloid

Check Also

SM 65 1 Feat

Experience Super-Sized Fun at SM’s 65th Anniversary this October

It’s October and it only means one thing at SM Super-Month! Suit up for some …

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *