Friday , September 29 2023

Panelo sa LTO execs: ‘WAG PASAWAY (Galvante nilait)

HATAW News Team

NAGBABALA si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO) na huwag maging pasaway at pag-aralan mabuti ang mga patakaran bago ipatupad.

Ang pahayag ni Panelo ay kasunod ng kontrobersiyang nilikha ng motor vehicle inspection system (MVIS).

“Puwede ba ayusin ninyo? You better shape up or ship out. Dadagdag pa kayo sa problema ni Presidente. Susmaryosep talaga,” aniya sa programang Counterpoint sa PTV noong Biyernes.

“Hindi ko naman maintindihan dagdag pa kayo nang dagdag. E may pandemya na nga…Huwag pahirapan ang mga kababayan natin,” giit niya.

Inianunsyo kama­kailan ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na mandatory ang MVIS dahil sa santambak na reklamo laban sa mataas na singil sa pagpa­parehistro ng sasakyan.

Giit ni Panelo, kung tutuusin ay hindi na kailangan manghimasok ang Pangulo sa isyu ng MVIS dahil trabaho ito ng transport officials.

“Alam ninyo itong mga ganito hindi na pinapasukan ng Presidente. Dapat ‘yung nandiyan sa LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board), LTO, Department of Transportation, dapat bago kayo maglabas naman kasi, pag-aralan ninyo,” ani Panelo.

Hindi lang aniya masalimuot ang MVIS kundi kalbaryo pa sa mga motorista.

“Mayroon ka ng emission test, mayroon ka pang road worthiness tapos mahal pa. Buti sana kung dali-daling ma­iinspeksyon. Aabutin ka nang siyam-siyam. talagang ano e, pabigat,” aniya.

GALVANTE
NILAIT
NI PANELO

NILAIT ni Panelo ang pagiging inefficient LTO chief Edgar Galvante lalo aniya sa nag-viral na video na nagmukha siyang tanga sa mali-maling sagot sa budget hearing sa Kongreso.

“Itong si Galvante. Hindi ko malaman kung saan lupalop ka nangga­ling dahil binabanatan ka sa social media. Mara­ming naipada³a sa amin. ‘Yung radio interview mo or ‘yung sa Senate hearing…mali-mali ang mga sagot mo,” sabi ni Panelo patungkol kay Galvante.

“Pinagtatawanan ka na, nilalait ka pa tuloy. Siyempre damay na naman ang pamahalaan sa iyo. Saan ka ba galing Asec Galvante? Susmar­yosep,” aniya.

Nanawagan si Panelo kay Transportation Secretary Arthur Tugade na tugunan ang mga hinaing ng mga motorista at huwag nang paabutin pa sa Palasyo.

“Secretary Art, mukhang you’re losing your… ano tawag doon? Kaya pala hindi ka na nakaka-return ng call, mukhang dinaragsa ka na ng problema ng mga bata mo riyan. Aba ayusin mo,” dagdag niya.

“Itong mga ganito hindi na ito dapat nakaaabot sa palasyo. Dapat sa level pa lang ni Sec. Tugade, tapos na ito.”

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Arrest Posas Handcuff

 ‘Exhibitionist’ dinampot ng parak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaking ‘exhibitionist’ matapos makunan ng video habang nagpapakita …

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *