Thursday , February 2 2023

500 pamilya nawalan ng tahanan (Residential area sa Bacoor tinupok ng apoy)

HINDI inasahan ng mga residente sa mga barangay ng Sineguelasan at Alima sa lungsod ng Bacoor, sa lalawigan ng Cavite, na sa sunog mawawala ang kanilang mga tahanan sa tabi ng dagat imbes sa bagyong Rolly na kanilang pinaghandaan.

 

Dakong 10:00 pm noong Linggo, 1 Nobyembre, nang sumiklab ang sunog sa isang residential area na tinitirahan ng mga mangingisda at magtatahong.

 

Aabot sa 500 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa insidente na naganap ilang oras matapos manalanta ang bagyong Rolly sa lalawigan.

 

Nasa evacuation center ang karamihan sa mga residente dahil inilikas sa banta ng daluyong na dala ng bagyong Rolly, ngunit napabalik sila nang mabalitaang nilalamon ng malaking apoy ang kanilang mga bahay.

 

Inabot nang tatlong oras bago naapula ng mga bombero ang sunog na umabot sa ikaapat na alarma.

 

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nasabing insidente ng sunog.

About hataw tabloid

Check Also

Luisa Silvestre bagong konsehal ng Marilao, Bulacan

Luisa Silvestre bagong konsehal ng Marilao, Bulacan

PINANGUNAHAN ni Gob. Daniel Fernando ang panunumpa sa tungkulin ng bagong konsehal ng pamahalaang bayan …

Bulacan Police PNP

8 tulak, 5 wanted inihoyo ng pulisya

MAGKAKASUNOD na naaresto ang walong hinihinalang mga notoryus na tulak ng ilegal na droga at …

Noong school year 2021-2022
404 MAG-AARAL PATAY SA SUICIDE 2,174 NAGTANGKAMAGPAKAMATAY

ni Niño Aclan NABUNYAG sa senadona 404 mag-aaral ang namatay sa suicide at 2,174 mag-aaral …

Daniel Fernando Bulacan Pilgrim relics St Therese of the Child Jesus

Pilgrim relics ni St. Therese of the Child Jesus, sinalubong ng mga Bulakenyo

NAKIISA si Gob. Daniel Fernando sa Diyosesis ng Malolos sa pagtanggap sa Pilgrim Relics ni …

Bulacan Police PNP

Sa pitong araw na SACLEO ng Bulacan police
P14.5-M DROGA NASABAT, 208 PASAWAY NALAMBAT

ARESTADO ang 208 kataong pawang lumabag sa batas habang nasamsam ang hindi bababa sa P14 …

Leave a Reply