Saturday , July 19 2025

Manila Water Laboratory Services, kinilala bilang Laboratory of Excellence

KINILALA kamakailan ang Manila Water Laboratory Services (MWLS) bilang Laboratory of Excellence makaraan ang isinagawang proficiency testing ng Waters ERA nitong Agosto at Setyembre ng taong kasalukuyan, na inihambing ang MWLS sa higit 300 iba pang laboratoryo sa buong mundo.

Bilang pagtataguyod sa mga sertipikasyon at akreditasyong natanggap nito, sinikap ng MWLS na matamo ang pagkilala bilang pagpapatunay na ang mga pamamaraan at prosesong sinusunod ng kompanya ay pasado sa “world-class standards” upang masiguro na ang tubig na umaabot sa mga metro ng customer ay malinis at ligtas inumin at ang “wastewater effluent” ay nananatiling ligtas upang itaguyod and pagkabuhay ng mga isda at halamang tubig sa mga ilog.

Ibinahagi ni MWLS Head Ms. Joy De Vera na ito ay bahagi ng kanilang pagpupunyaging lalo pang mapabuti ang kanilang gawain.

“Layunin ng Manila Water Laboratory Services na ang resulta ng aming mga pagsusuri ay wasto at mapagkakatiwalaan kaya’t sumailalim kami sa Proficiency Testing ng ERA. Ikinagagalak naman namin na lahat ng test parameters na sinuri ay nakatanggap ng markang satisfactory,” dagdag ni De Vera.

Kabilang sa mga parameters na ito ay total dissolved solids (TDS), calcium, magnesium, chloride, sulfates, calcium hardness at total hardness para sa maiinom na tubig; at total solids (TS), total suspended solids (TSS), settleable solids (SS) at oil and grease (O&G) para sa wastewater.

Ayon sa website nito, ang US-based Waters ERA ay kinikilala bilang “premier providers” ng Proficiency Testing (PT) at Certified Reference Materials (CRMs) sa libo-libong laboratoryo sa buong mundo at kasalukuyang nagseserbisyo sa 80 bansa.

Mayroon nang akreditasyon ang MWLS kaugnay ng pamantayan ng ISO 17025:2017 sa “quality management system for testing and calibration laboratories” at mula sa Department of Health (DOH) alinsunod sa Philippine National Standards for Drinking Water (PNSDW). Kinikilala rin ito ng Department of Natural Resources (DENR) bilang Environmental Laboratory.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

BlueWater Day Spa 5

Teejay Marquez at Choi Bo Min, sinabi mga gustong maka-bonding sa BlueWater Day Spa

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SINA Teejay Marquez at Korean actor na Choi Bo Min ang …

Park Seo-Jun Anne Curtis

Park Seo-Jun kinasabikan ng Pinoy, nagbahagi sikreto sa malusog na katawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DUMAGUNDONG ang Big Dome noong Sabado ng gabi, July 12 sa …

Dingdong Dantes Charo Santos Regine Velasquez-Alcasid Jonathan Manalo mwell

Regine, Jonathan manalo pinangunahan advocacy campaign ng mWell 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INILUNSAD ng mWell’s advocacy campaign ang official wellness anthem na I Am Well. …

BlueWater Day Spa FEAT

From Manila to Seoul: BlueWater Day Spa Marks 20 Years with Global Glow and Local Soul

A new era of wellness begins as BlueWater Day Spa unveils its newest brand ambassadors. …

ICTSI PPA

Philippine Ports Authority nagdiwang ng ika-51 anibersaryo
ICTSI at PPA: Magkatuwang sa Pagsusulong ng Modernong Pantalan at Kaunlarang Pangkabuhayan sa Filipinas

SA PANAHON ng muling pagbubukas ng mga pandaigdigang hangganan at paglago ng international trade matapos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *