Tuesday , September 10 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Social distancing, iniisnab sa public market sa Maynila

YOR-ME, mukhang iniisnab na lang ang isa sa mahalagang health protocols na panatilihin ang social distancing lalo sa public markets sa Maynila.

Ang mga numero unong palengke na ating tinutukoy ay ang Blumentrit market, Quiapo, at Divisoria na kung saan nag-uumpugan at halos magkapalit-palit ang mga mukha ng mga tao.

Walang distansiyang sinusunod ang mga tao rito mag-mula sa mga vendor, mamimili, tricycle at iba pang mamamayan na nasa paligid ng nasabing mga lugar.

Tila nawala na naman ang mga disiplina at limitasyon. Ang mga vendor na dati ay hindi nakabababa ng bangketa ay muling nasa kalsada, ang mga tricycle na dati’y hindi nakapasok dito at may sariling terminal, natural kapag dikit-dikit mga vendor, ‘matik na rin na magkumpulan ang mga mamimili.

Subukan po ninyong mamasyal sa mga lugar na ‘yan Yor-me at sasabihin ninyong balik na naman sa normal ang kalakaran na para bang wala nang pandemic at GCQ na ipinapatupad ang gobyerno.

Ang mga pulis at barangay dito ay malamang na naayos na kaya mistula na naman silang mga symbolic figure na no see, no hear. May mga pulis na lulan ng kanilang mga sasakyan na nagrerekorida ngunit para bang show-off na lang at scripted partikular sa Blumentrit at Divisoria.

Sa Quiapo naman ay namamantina ang kaayusan at disiplina sa mga deboto at nananampalataya, talagang nasusunod ang physical distancing at iba pang health protocol ngunit pagdating sa mga vendor ay wala ni isa man ang nasusunod.

Wala silang pagitan, dikit-dikit na nakahilera sa kalye at bangketa kung kaya magkakatabi na rin ang mga tao dahil nga wala rin distansiya mga vendor.

Magaling anila sa reverse psychology ang nagpapa-lakad dito sa Plaza dahil kung titingnan mo nga naman ang mga deboto at ang paligid ng simbahan, ito ay perpekto, malinis at pawang mga disisplinado.

Ang mga vendor naman sa kabilang dako ay walang sinusunod na alituntunin at walang ibang iniintindi kundi ang makapagtinda sila nang walang sagabal dahil sayang naman daw ang ‘tarang’ ibinibigay sa kanila sa kapulisan he…he…he

Pagdating sa Divisoria, wala rin pagbabago, back to business na muli ang mga vendor na muling inokupahan ang mga kalye at bangketa kung kaya’t sarado na naman ito sa sasakyan at trapiko.

Araw-araw na naman daw ang bigayan ng tara sa mga pulis, barangay at iba pang awtoridad sa nasabing lugar, give, give, give… and never give-up.

Ganoon na lang daw ang lakas ng loob ng mga pulis dito partikular na sa Blumentrit at Plaza Miranda dahil may pinanghahawakan daw silang alas.

Ang mga detachment commander umano rito sa mga nasabing lugar ay super lakas, tibay at tatag daw kay Manila Police District Director (MPD) Gen. Rolly Miranda, totoo ba iyon sir?

Totoo man o hindi ang mga pinag-uusapan natin ay walang ibang mahalaga kundi ang pangalagaan pa rin natin ang ating mga sarili dahil tayo ay nasa panahon pa ng pandemic.

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Senator Cynthia Villar tatakbo para sa kongreso  magpinsang Aguilar maglalaban para sa mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NOONG nabubuhay pa ang yumaong Vergel “Nene” Aguilar, tahimik …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ano pa ang hinihintay ng DOH sa Mpox vaccine?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman daw kailangan ng social distancing para sa seguridad …

YANIG ni Bong Ramos

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Sino ba ang dapat managot?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG ibunyag ni Senator Risa Hontiveros na nakalabas na sa bansa …

Dragon Lady Amor Virata

Boluntaryong leave of absence isinumite ng Vice-President ng NPC

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGSUMITE ng kanyang leave of absence si National Press …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *