Thursday , June 4 2026
shabu drug arrest

P3.4-M shabu kompiskado sa 4 suspek sa Quiapo

INARESTO ng mga operatiba ang apat katao matapos mahulihan ng aabot sa P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Akmad Sumira Utawan, Jimmy Sangcala Imperial, Aminah Adam Macabato, at Norainma Ibta Cabugatan.

Sa ulat, isinagawa ang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay 384.

Ayon kay PDEA Agent Christopher Basilio, matagal nang mino-monitor ang mga suspek dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Nasa kalahating kilo umano ang narekober na shabu mula sa mga suspek na dalawang lalaki at dalawang babae.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act o 2002. (VV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …