Thursday , October 3 2024

Mars Pomoy, ipinagpatayo ng bahay ang isang senior citizen

NASA malayong bayan man ng Calauag, Quezon Province si Marcelito “Mars” Pomoy, kapuri-puring tumutulong siya sa mga tao roon na kababayan ng misis n’yang si Joan. Dalawa o tatlong beses na rin siyang nag-digital concert sa bahay n’ya sa Barangay Tres Calauag para lumikom ng perang maibibili ng relief goods para sa mga kabarangay n’ya na nangangailabgan.

Ilang ulit na ring namahagi silang mag-asawa ng relief goods sa Calauag. Itinuturing na rin n’yang hometown ang Calauag dahil ilang taon na rin siyang naninirahan kasama ang kanyang maybahay at ang isang anak nila na babae na maglilimang taong gulang na.

Kamakailan, naibalita mismo ng champion ng Pilipinas Got Talent at finalists sa America’s Got Talent: The Champions’ edition, pati na rin ng ilang netizens sa Calauag, na pinamunuan ni Mars ang proyektong pagtatayo ng bahay para sa isang senior citizen.

Isang taga-Calauag, si Aiza Hernandez, ang nag-post sa Facebook tungkol sa senior citizen na si Aurora Mirano na naninirahan mag-isa sa isang kubo na gumigiray na.

Naantig ang damdamin ni Mars kaya’t humingi siya ng tulong sa mga kababayan n’ya para maipagtayo ng isang simpleng matibay na tirahan si Nanay Aurora.

Nakapagpatayo siya ng bahay ng may isang bedroom, kusina-kainan, toilet na binubuhusan ng tubig, at maliit na veranda para sa mga bisita. Kinompleto rin ng team ni  Mars ang mga gamit sa bahay. (Nag-sorry pa nang pabiro si Mars sa video na walang air-condition ang bahay. Actually, wala ring TV set, at okey lang naman ‘yon.)

Naitayo ang bahay sa loob ng apat na araw, kasama na ang paghuhukay ng pundasyon.

Ipinost ni Mars ang mga litrato ng pagtatayo ng bahay sa Facebook n’yang /marcelitopomoy8. Nag-post din siya ng mga 10 minuto video ng pagtatayo ng bahay sa You Tube channel n’ya.

May maiikling interbyu si Mars sa video kina Nanay Aurora at Aiza.

Panoorin n’yo ang video para makita n’yo ang taong-tao  hitsura ni Mars na ‘di nakadamit ng pang-contest sa TV. Mapupuna n’yo ring ang puti-puti na n’ya at ang kinis-kinis.

Ang video ay malamang na para rin sa mga banyagang naging fans na rin ng Pinoy na may dalawang tinig (lalaki at babae). Filipino/Tagalog ang salita ni Mars, pero may subtitles sa Ingles ang mga sinasabi n’ya, pati na ang salita niyong mga iniinterbyu n’ya. (Pero Ingles ang mga post ni Mars sa Facebook.)

Namahagi rin siya ng relief goods sa mga kapitbahay ni Nanay Aurora.

Sa dulo ng video ay may acknowledgment sa mga tao na sumuporta sa proyektong ‘yon ng pagtatayo ng bahay.

Maaalalang nadiskubre ni Mars ang kakayahang kumanta sa dalawang noses habang nagtatrabaho siya na tagapagpakain ng manok sa isang poultry. Pero kapuri-puring gaano man kaasensado ang buhay niya ngayon, ‘di n’ya kinalilimutan ang nakaraan n’ya at ‘yon ang dahilan kaya lagi siyang aktibo sa pagtulong sa mga kapus-palad.

Samantala, patuloy pa rin siyang nakikiusap para sa mga donasyon para sa tuloy-tuloy n’yang pagtulong. Sa caption ng video ay nakalista kung saan-saan pwedeng magdeposito ng mga donasyon.

 

 

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine enjoy sa bagong laro ng BingoPlus na Pinoy Drop Ball

RATED Rni Rommel Gonzales SI Maine Mendoza ang celebrity endorser ng Pinoy Drop Ball na bagong larong in-introduce ng BingoPlus kaya …

Rhian Ramos Sam Verzosa

SV hindi gagamitin si Rhian sa politika

MATABILni John Fontanilla AYAW patulan ng TV host (Dear SV) at Tutok To Win Partylist Representative Sam SV …

Sam Verzosa SV Driven To Heal

Sam Verzosa taos sa puso ang pagtulong

I-FLEXni Jun Nardo NAKALULULA ang presyo ng mga mamahaling luxury cars ng businessman and TV …

Alfred Vargas

Alfred napagsasabay pag-aaral at pag-arte

I-FLEXni Jun Nardo PINAGSASABAY ni Konsehal Alfred Vargas ang pag-arte at pag-aaral. PHD naman ang hangad niyang …

Elias Modesto Cruz John Lloyd Cruz Ellen Adarna

Anak nina Lloydie at Ellen na si Elias pinagkaguluhan

HATAWANni Ed de Leon VIRAL ang picture ng napaka-cute na si Elias Modesto Cruz, anak ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *