Monday , October 14 2024

Radyo, TV gamitin sa pagtuturo — Win

NAIS ni Senator Win Gatchalian na gamitin na ang radyo at telebisyon para sa pagtuturo sa mga mag-aaral.

Ito ay dahil walang katiyakan kung kailan magbubukas ang klase dahil sa COVID 19.

Binanggit ni Gatchalian, sa prankisa ng mga radyo at TV na 15 porsiyento ng kanilang airtime ay dapat ilaan sa pagtuturo.

Inihalimbawa nito na maaaring 10:00 am ay iere ang mga aralin pang-elementarya at pagsapit ng 2:00 ng hapon ay pagtuturo naman sa high school students.

Ayon kay Gatchalian, imbes kung ano-ano ang pinanonood sa telebisyon ng mga mag-aaral, mas  makabubuti sa kanila kung aralin ang kanilang panonoorin.

Aniya kailangan asikasohin ng DepEd ang scheduling ng pagtuturo at kikilos na rin ang National Commission on Children’s Television na matagal na  panahong tila nabalewala.

Binanggit nito, nang mag-lockdown sa China at Hong Kong, ipinagpatuloy ang pagtuturo sa mga bata gamit ang internet ngunit batid ng senador na hindi lahat ng mga mag-aaral na Filipino ay may computer sa bahay kaya’t hindi ito uubra sa bansa. (CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

101124 Hataw Frontpage

DOE iginarantiya sa Senado
GEA-3 AUCTION TINIYAK TAPOS NGAYONG 2024

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) sa mga mambabatas na ang 3rd Green Energy Auction …

101124 Hataw Frontpage

Nagsimula sa P8.9-B, lumobo sa P27-B
NEW SENATE BUILDING UMABOT NA SA P33-B  
Senators sa 2027 pa makalilipat

ni NIÑO ACLAN BUKOD sa naantala, muling lumobo ang halagang igugugol sa itinayong New Senate …

Isko Moreno Chi Atienza

Isko Moreno nagbabalik sa Maynila, Chi Atienza, bise-alkalde ni Yorme para sa 2025 midterm elections

PERSONAL na tinugunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang minimithi at sigaw …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

THE first ever Metals and Engineering Innovation Center (MEIC) in CALABARZON was officially inaugurated at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *