Friday , March 24 2023

Kampanya vs obstruction pinaigting sa Taguig: Lungsod na nadaraanan #safecity, #healthycity

NAGLUNSAD ang lokal na pamahalaan ng Taguig nang mas pinaigting na clearing operations upang maalis ang mga nakaharang sa kalye gaya ng iligal na mga istruktura, ilegal na pagtitinda at ilegal na nakaparadang mga sasakyan.

Pinangunahan ng grupong binubuo ng Traffic Management Office, Public Order and Safety Office, Market Management Office, Business Permits and Licensing Office, General Services Office, Solid Waste Management Office, City Engineering Office, Public Transport Office at Barangay Affairs Offices kasama ang Philippine National Police at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nasabing aktibidad.

Isinagawa ang mga operasyon alinsunod sa pinirmahang executive order ni Mayor Lino Caye­tano matapos siyang manumpa ng panunung­kulan.

Iniutos ng punong lungsod sa mga departamento ng lungsod na “paigtingin ang kanilang pagsisikap na masiguro ang pedestrian at vehicular mobility, at access sa mga serbisyo publiko gamit ang mga pampublikong daanan at kaparehong imprastraktura” upang masiguro ang seguridad ng publiko.

Binigyang-diin sa EO na ang mobility ay mahalaga sa urbanisasyon at pag-unlad. “Aside from the space occupied by roads, transport system, buildings and infrastructures, the associated pedestrian and vehicular movement invariably shapes the urban forms of the city,” dagdag pa rito.

Sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address noong Lunes, July 22, inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng lokal na pamahalaan na “reclaim all public lands.”

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government ang mga LGU na kumpletuhin ang nasabing kautusan sa loob ng 60 araw. At ang Lungsod ng Taguig, na matagal nang nililinis ang bawat lansangan noong pang mga nakalipas taon, ay patuloy na isinasagawa ito.

“As it is, Taguig is already a pedestrian-centered city, but we want to make it even more so. We want to make Taguig an even more walkable city,” saad ni Cayetano.

Aniya pa ng alkalde, ang “walkable city,” ay matuturing na rin na, “safe and healthy city.”

Mula ng maluklok sa pwesto, iginiit ni Mayor Lino na malahalagang parte sa kanyang 10-point agenda ang gawing mas ligtas at malusog ang lungsod ng Taguig.

“Our leadership has been consistent with its mandate in regulating the use of and access to streets, highways and public roads and has regularly implemented clearing of all public roads in the city of all obstructions that may endanger the safety and impede pedestrian and vehicular traffic flow,” dagdag pa ni Mayor Lino.

Sa mga nakalipas na taon, patuloy na isinasagawa ng lungsod ng Taguig ang clearing operations nito kada 5 hanggang 7 beses sa isang linggo upang matanggal ang mga nakaharang sa mga lansangan at mga daanan.

 

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Krystall Herbal Oil

Benepisyo ng CPC at Krystall Herbal Oil sa mga ‘feeling bloated’ at FGO Libreng Seminar

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          I’m one …

SM DOTr 1

SM Cares, DOTr launch Share the Road video campaign to promote safer, more accessible roads

DOTr Undersecretary Mark Steven C. Pastor and DOTr Secretary Jaime J. Bautista join SM Supermalls …

Krystall Herbal Oil

Siklista tuwang-tuwa sa bagong kaibigan na Krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Isa po …

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

62-anyos jeepney driver, tuhod namaga, pinaimpis ng Krystall Herbal Oil at Krystall Vit. B1B6

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Magandang araw po …

Leave a Reply