Friday , March 24 2023
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Party-list para sa ‘Marginal sector’ noon sa orihinal na layunin kinopo na rin ng ‘trapo’ ngayon

TULUYAN nang napariwara ang layunin ng pagbubuo ng party-list system sa ilalim ng Commission on Elections (Comelec).

Kung noong una’y mga totoong kinatawan ng marginal sectors ang nakapasok sa party-list system, iba na ngayon.

Ang party-list system ngayon ay naging ‘alternatibong kanlungan’ ng political dynasties o ng traditional politicians na nagsisiksikan na sa regular na puwesto sa kongreso.

Dahil nag-aabot-abot na ang political dynasties sa iba’t ibang puwesto sa kongreso, napag-isip-isip nilang puwede silang ‘makarami’  pa sa pamamagitan ng party-list system.

Kaya huwag kayong magtaka kung ang regular district representatives ay kamukha rin ng mga party-list representatives.

Wattafak!

Moderate your greed naman!

Kaya kung sinasabing ang party-list system ay para roon sa mga nasa ‘laylayan ng lipunan,’ hindi na po totoo ngayon ‘yan. Kasi itinaas nila ang ‘laylayan’ para itakip sa mukha nila nang sa gayon ay makapagpanggap na mula sila sa marginal sector.

At literal po ‘yan, ginamit nilang ‘balatkayo’ ang ‘laylayan’ nang sa gayon ay makopo nila ang party-list system.

Sa 13 Mayo po, kilatisin maigi ang mga party-list. Huwag po ninyong iboto ang mga miyembro ng political dynasty at mga trapo na ginagamit ang ‘laylayan’ pabor sa kanilang interes.

Kung boboto ng party-list, iboto po ang totoong nagmula sa marginal sector at may track record na nagsisilbi sa kanilang sector.

‘Yun lang po.

 

GRAB
CANCELLATION
FEE ‘KOTONG’
SA PASAHERO

NGAYON pa lang ay inuulan na ng reklamo ang GRAB dahil sa kanilang sistema na gustong pagbayarin ang mga pasaherong magka-cancel ng booking.

Ang tanong paano kung ang Grab ang magka-cancel?!

Ano rin kaya ng penalty sa mga Grab driver na mahilig kumuha ng pasahero kahit 15-minute away pa sila at may ibababa pang pasahero?!

Tapos habang naghintay ‘yung pasahero, kamukat-mukat mo biglang nag-cancel?! Anong laban ng pasahero sa mga ganoong Grab driver?!

Nagtataka naman tayo kung bakit tila spoiled na spoiled ang Grab sa LTFRB?!

Kahit sandamakmak na ang reklamo, walang aksiyon ang LTFRB.

Lalo na kung araw ng Biyernes na sinasaman­tala nila ang pangangailangan ng mga pasahero at halos holdapin na ng Grab system sa napakataas na pasahe.

LTFRB Chairman Martin Delgra Sir, labas-labas din minsan sa malamig mong opisina at medyo bumibigat ka na.

Paki-kutusan lang ang tila umaabusong sistema ng Grab.

Please!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Lumiliit na ang mundo para kay Arnie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INIIMBESTIGAHAN si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves matapos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nasaan na ang magagaling  na mambabatas?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi sinasadya o walang may kagustuhan sa nangyaring pagtatapon ng …

Dragon Lady Amor Virata

Transport strike tinabla dahil sa magugutom na pamilya

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI naparalisa at nabigong makakuha ng malaking suporta ang …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Target: Mga lokal na opisyal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MISTULANG mga langaw na isa-isang bumabagsak ang mga lokal …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mga kriminal sa QC, hindi umubra sa QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan KUNG inaakala ng mga kriminal tulad ng mga holdaper, gunrunner, drug …

Leave a Reply