Monday , October 14 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kawalan ng NFA rice sinasamantala ng private traders

MALAKING isyu ngayon ang kawalan ng sapat na stock na bigas ng National Food Authority (NFA).

Una kasing tinatamaan nito ang maliliit nating mga kababayan na bumibili ng tinging bigas o ‘yung isa o dalawang kilo isang araw.

Dahil hindi nila kayang bumili ng bigas para sa buong isang linggong konsumo, napipilitan silang bumili sa mga komersiyalisadong bigas gaya ng Angelika, Sinandomeng, Dinurado na talaga namang sagad sa ‘langit ng pobre’ ang presyo.

At nangyayari ito ngayon dahil 250,000 metriko toneladang bigas lang ang pinayagang angkatin ng NFA Council noong nakaraang taon.

At kung ngayon pa lang bibili ang gobyerno, ang presyo nito sa world market ay US$470 per metric ton, mula sa dating US$410-US$420 per metric ton.

Bukod diyan, hindi naman ganoon kabilis ang proseso ng pag-aangkat ng bigas, aabutin pa nang kung ilang panahon ‘yan.

At habang tumataas ang presyo ng bigas sa world market, tumaas na rin ang presyo ng komersiyal na palay.

Ang bigas mula sa bukid ay umaabot ng P19 per kilo. Kung susundin ang rule of thumb (sa pagbebenta) times two ito na lalabas na P38-P40 ang bawat kilo.

Mismong rice retailers ang nagsasabi na dahil sa kakulangan ng bigas, ang NFA rice ay mabibili sa halagang P27 o kaya’y P32 kada kilo.

Ibig sabihin, ang buong bansa ay nakararanas ngayon ng kakula­ngan ng subsidized rice mula sa gobyerno o NFA.

Kaya kung mataas na ang presyo ng NFA rice, e ‘di mas lalo pa ang commercial rice.

Ayon kay NFA spokesperson Rebecca Olarte, “Mayroon tayong supply ng NFA rice kaya lang limitado, so, sa ngayon pina-prioritize kung saan dadalhin ‘yong NFA rice.”

Wattafak!?

Ibig sabihin po ng pina-prioritize, kung saan kailangan ang bigas gaya sa Marawi at nitong huli ay sa mga napinsala ng pagsabog ng bulkang Mayon at iba pang lugar na biktima ng kalamidad.

Ang naangkat na bigas ay sapat lang sa pito hanggang walong araw na supply kung sa NFA lang bibili ng bigas ang buong bansa.

“Last year hindi kami gaanong nakapamili ng palay kasi napakataas ng bili ng private tra­ders… kaya mas preferred ng farmers sa kanila magbenta para mas maganda ‘yong kita,” ani Olarte.

Matatandaan, noong nakaraang taon, sinipa ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang isang opisyal dahil sa pagkontra niya sa desisyon ng NFA na ipagpaliban muna ang pag-aangkat ng bigas habang panahon ng ani.

Pero nagsisimula na naman daw umani ng bigas sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kaya maka­bibili na ulit ang NFA ng supply.

Layunin din nilang muling mag-angkat mula sa ibang bansa.

Pakiusap ng NFA sa mga rice retailer, huwag magtaas ng presyo dahil sa shortage ng NFA rice, lalo’t wala ngang nakaimbak.

Supposedly, ang warehouses ng NFA ay da­pat na may sapat na imbak na bigas lalo sa panahon ng kalamidad.

Anyare NFA chief Jason Aquino?!

Gusto mo bang patunayan kay Pangulong Digong na mali si CabSec Jun Evasco kaya hinayaan ninyong maiga ang imbak na bigas?!

Ganito ba talaga sa Filipinas?!

Pati ba naman bigas na staple food ng sambayanan lalo ng maliliit nating kababayan ay ‘nilalamon’ ng bulok na politika?!

Ay sus!

SANOFI UMATRAS
SA REFUND
NG DENGVAXIA

INIHAYAG ng Sanofi kamakalawa, hindi na nila ibabalik ang bayad sa gobyerno para sa mga hindi nagamit na Dengvaxia vaccine.

Pero nanindigan si Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa lusot ang Sanofi sa pana­nagutan sa Dengvaxia scam.

“Let us not make any conclusion either way. And I’m also appealing to even some members of the government, wala pa pong final findings ang NBI, antayin po natin iyan. No one is res­ponsible and yet, no one is off the hook at this stage. Dream on, Sanofi!” aniya.

Ang pagbawi ng Sanofi sa kanilang unang pahayag na ire-refund ang pera ng gobyerno ay dahil kailangan pa umano ng masusing pag-aaral at imbestigasyon upang magkaroon ng konkretong solusyon kung may pananagutan o wala ang French pharmaceutical company sa kontrobersiyal na P3.5 bilyong dengue immunization program ng pamahalaan.

Inamin kasi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Rolando Enrique Domingo sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa Dengvaxia nang siya ay tanungin ni Rep. Estrellita Suansing kung mayroong pananagutang kriminal ang Sanofi sa naturang kontrobersiya.

Sa kasalukuyan, ayon kay Domingo, ay nais muna nilang tapusin ang isinasagawang im­bestigasyon upang magkaroon ng konkretong resulta sa pagsasampa ng kaso kung sino ang dapat panagutin.

Mismong si Health Secretary Francisco Duque III ay aminadong ang inilabas na findings ng UP-PGH ay preliminary at kung bubusisiin ang nilalalaman ng naturang report nakasaad na kailangan pa ang malalimang pag-aaral.

Sa resulta ng pag-aaral, sa 14 batang namatay na pawang naturukan ng Dengvaxia ay tatlo ang may dengue virus. Kaya patuloy na naninindigan si Sanofi Asia-Pacific head Thomas Triomphe na walang konkretong ebidensiya na nagtuturo na ang dahilan ng kamatayan ng mga bata  ay Dengvaxia.

Noong Abril 2016 sinimulang ilunsad ng DOH ang bakuna sa public schools na mayroong naitalang mataas na bilang ng mga insidente ng dengue.

Ipinahinto noong Nobyembre ni Duque ang naturang bakuna matapos aminin ng Sanofi na may masamang epekto ang bakuna sa mga hindi pa nadadapuan ng dengue.

Paano na Secretary Duque?

Tuluyan na bang mati-TY ang P3.5 bilyones para sa kalusugan ng mga batang Pinoy?!

Aba, lalong magagalit niyan si PAO chairperson Atty. Percida Acosta?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *