Sunday , October 13 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

P13.75-M ‘illegal’ bonuses & benefits ipinasosoli ng COA sa ex-PCSO officials

MUKHANG may iisang kultura ang mga naitatalagang opisyal sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), inaangkin nilang sariling ‘kaharian’ ang buong ahensiya kaya ginagawa nila ang lahat ng gusto nila pabor sa mga kapakanan nila.

Gaya nga nitong P13.75 milyones na hindi naman awtorisadong ilaan sa benepisyo at bonuses pero pinilit ng mga dating opisyal ng PCSO na gamitin noong Setyembre 2010 hanggang Disyembre 2011.

Ayon sa Commission on Audit (COA), tinanggihan nila ang apela ni dating PCSO chair Margarita Juico at dating general manager Jose Ferdinand Rojas II na balewalain na lang ang anim na notice of dis­allowance noong 19 Enero 2013.

Ayon sa COA ang pagbibigay ng P11.8 milyones para sa allowances at incentives ay lumabag sa Executive Order Nos. 7 & 19, na nagsuspende sa benepisyo para sa board members ng government corporations.

Iginiit ng PCSO na ang nasabing benepisyo ay may presidential approval “purportedly under the continuing authority” na nasa January 13, 1998 letter ng dating pangulo na si Joseph Estrada.

Pero sinabi ng COA, ang sulat ni Estrada ay para lamang noong 1997 at 1998 at hindi sa mga susunod na taon.

Ang tanong ngayon, paano isosoli ng mga da­ting opisyal ng PCSO ang nasabing halaga?!

Wattafak!

Parang sariling kompanya nila ang pinatatakbo nila kung manalbos ng kuwarta.

‘Yan ba ang dahilan kung bakit pinagkakaguluhan ang PCSO at pinag-aagawan ang puwesto riyan?!

Ex-chair Margie Juico and ex-GM Joy Roxas, ipinasosoli ng COA ang sapilitang pangungupit ‘este paglalaan ninyo ng bonus at iba pang incentives para sa mga sarili ninyo.

Tama ba ang ginawa ninyo?! Inuna ninyo ang kapakanan ng mga bulsa ninyo?!

Sonabagan!

Incentives and bonuses lang ‘yan. E paano kaya kapag na-audit pa ng COA iyong daan-daang milyones na advertising contracts na ibinigay ninyo sa mga ‘kasapakat’ ‘este paborito ninyong ad agency?!

Arayku!

Mas maigi pa kung isoli na ninyo ‘yang hindi awtorisado at sapilitang bonus at incentives nang hindi kayo masampahan ng kaso.

Ang problema, mukhang nasa ‘septic tank’ na ‘yang mga ibinulsa ninyong pondo ng PCSO?!

May maisoli pa kaya kayo ex-chair Marge Juico at ex-GM Joy Roxas?!

Pakisagot na nga po!

DOTr OFFICIAL
SA ‘ESCORT SERVICES’
SUSPENDIDO
KAY SEC. ART TUGADE

BISTADO ang supervising transportation and development officer na si Roberto Delfin na nakatalaga sa main office ng Department of Transportation (DOTr) kaya binigyan ng suspension na 90 araw ni Transportation Secretary Art Tugade.

Ayon kay Sec. Tugade, nahuli si Delfin na tumanggap ng P150,000 sa pamamagitan ng kanyang aide para paboran ang desisyon sa aplikasyon ng New Sunrise Transport Cooperative (NSTC).

Ang NSTC ay nag-apply umano noong isang taon para mabigyan  ng prangkisa ang kanilang miyembro sa iba’t ibang ruta.

Bukod sa P150,000 cash nabatid din umano ni Tugade na bukod pa ang ibinibigay na bayad para sa ‘escort-services’ at all-expense paid sa isang private resort.

Wattafak!

Ibang klase sila?!

Sa kabila nito, sasampahan pa lang umano ng asunto si Delfin sa Ombudsman.

Ang tagal naman!

By the way Sec. Tugade, ‘yung LTFRB official na manyakol, alam na ba ninyo ang pambababoy niya sa mga empleyada?

‘Yung major-major na ang lakas gumawa ng pitsa sa mga naglalakad ng papeles lalo sa transport network vehicle services (TNVS), nasudsod na ba ninyo?

Saka ‘yung LTFRB na nagpapagawa ng building sa Leyte, kilala na ba ninyo?!

Paki-extend ng concern ninyo, Sec. Tugade sa LTFRB…

Please lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *