Monday , October 14 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Major, major problem sa LTFRB

MULING nabuhay ang korupsiyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng isang ‘muling nabuhay’ na major, major problem sa nasabing ahensiya.

Muli raw nabuhay itong si major, major problem dahil sa kupad ng kanyang bossing na mag-aproba at pumirma sa mga nakabinbing papeles sa kanyang mesa.

Dahil daw sa kakuparan, natutong maghanapbuhay si major, major problem kaya muling nabuhay ang ‘padulas system.’

Yes, LTFRB chief, Atty. Martin Delgra III, dapat ninyong kilalanin ang aid ng isang opisyal diyan sa inyong ahensiya na dahil sa kupad mag-aproba at pumirma ng kanyang amo ay nagsarili na ng lakad.

Siya na ang kinakausap ng mga kliyente para lumabas na ang kanilang ‘folder.’

Wattafak!

Mahusay magsarili si major, major problem at per unit pa umano ang labanan. Siyempre nga naman, mas marami, mas malaki ang takits at pitsaan.

Petmalu!

LTFRB chief, Atty. Delgra Sir, mukhang dumarami ang mga opisyal ninyong inirereklamo at hindi karapat-dapat sa ahensiya.

Ayaw ni Tatay Digong nang ganyan!

Isang opisyal na manyakol, isang nagpa-patayo ng mansion at ngayon ay isang major, major problem na nakikinabang sa pabayang amo?!

Kilala mo na ba sila Atty. Delgra?!

Aba’y bilisan po ninyo at baka maunahan pa kayo ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na  makilala sila.

Galaw-galaw, Atty. Delgra!

NO SHOW APPLICANTS
& PASSPORT ISSUANCE
PROBLEMANG DAPAT AYUSIN
NI SEC. CAYETANO

UNANG problema, pinasok ng sindikato ang online appointment para sa passport application at renewal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Pero pagdating sa aktuwal na petsa ng appointments, 40% ng applicants ang hindi dumarating.

Ang solusyon dito ni Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano, bayaran na sa banko ng applicants ang passport fee. Kahit 50 percent lang daw.

Sa ganoong paraan, sigurado umanong sisipot na ang mga aplikante.

Ang sagot po natin diyan Secretary Allan, hindi rin. Kasi nga kung napasok ng sindikato pati ang passport online appointments, ibig sabihin doon lang din nila sisingilin ‘yan sa mga nabobola nilang kliyente.

At wala silang paki kung dumating o hindi ang kliyente nila, ang importante nagbayad sa kanila.

So ang dapat, susudsurin ninyo kung sino ‘yang mabilis na nakapagse-secure ng online appointment at kung paano nila nagagawa.

Pero ang isa pa nating problema, Mr. Secretary, ‘yung releasing naman ng passport.

Puwedeng nakapag-apply ngayon pero aabutin ng tatlong buwan bago nila mahawakan ang kanilang passport.

Paso na ang visa at sa bahagi ng overseas Filipino workers (OFWs) paso na ang air ticket at maging ang kontrata.

Wattafak!

Malaking prehuwisyo ‘yan, Secretary Cayetano.

Sana lang ay masolusyonan na ninyo ang problemang ‘yan.

Marami nang reklamo at palagay natin hindi dapat balewalain ‘yan.

Balitaan po ninyo kami Secretary Cayetano kung may maasahan ba kaming good news.

‘Yun lang po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *