Friday , October 4 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bagong comfort rooms sa NAIA terminal 2 ikinatuwa ng balikbayans at iba pang pasahero

ISA tayo sa mga natuwa nang makita natin na nadagdagan na ang comfort rooms sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Wala na tayong nakitang mahabang pila sa comfort rooms lalo na sa mga babae hindi gaya nang dati.

Tuluyan na rin bumango ang simoy ng hangin sa NAIA terminal 2 kasi nga wala nang panghing naaamoy.

Aba e halos ilang panahon nating pinuna ang kapabayaan ng mga nagdaang administrasyon sa pagpapagawa at maintenance ng comfort rooms sa NAIA.

E dito pala sa administrasyong Duterte sa ilalim ng pinagkakatiwalaan niyang si Manila International Airport Authority (MIAA) general ma-nager Ed Monreal e mabilis na mabilis niyang magagawa ang matagal nang hinaing ng mga Balikbayan, turista at iba pang pasahero na nagyayaot sa NAIA.

Ang daming nagpakilalang action man lalo na ang isang ‘honduropot’ pero ang ginawa lang e humakot ng pagkakakitaan sa NAIA.

Bilyones ang budget sa repair ng Airport pero hindi natin nakita noon ang itsura ngayon ng airport.

Malinis, mabango, walang sandamakmak na ‘vendor’ sa loob at naglaan ng mga upuan para sa mga pasahero at sa kanilang well-wishers at higit sa lahat papasok palang sa NAIA, naka-hook ka na sa wi-fi.

Mabuti na lang at mayroong isang GM Ed Monreal na seryosong gumanap sa kanyang tungkulin, obligasyon at responsibilidad.

Mabuhay ka GM Ed Monreal!

MARK ANTHONY
FERNANDEZ
PINALAYA NA
NG HUKUMAN

BAGO matapos ang 2017, pinalaya ng hukuman ang actor na si Mark Anthony Fernandez, ang anak ng actress/politician na si Alma Moreno at ng yumaong actor na si Rudy Fernandez dahil sa “procedural breaches” na ginawa ng Angeles police na dumakip sa kanya.

Marami umanong paglabag na ginawa ang Angeles police lalo sa sinasabi nilang ebidensi-yang 786 gramo at 7,108 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Hindi rin umano ito nasaksihan ng mga itinatakdang kinatawan ng hukuman mula sa media, Department of Justice at elected barangay official.

Bukod diyan, minarkahan ang ebidensiya sa Police Station 6 sa Angeles at hindi sa Barangay Saguin, na kinaarestohan ng actor.

Masasabi nating napakasuwerte ni Mark Anthony dahil naging kakampi niya ang panahon para siya ay magbagong-buhay.

Sana ay magsilbing aral ang karanasang ito sa actor lalo’t mayroon na siyang mga anak na kailangan niyang pakitaan ng mabuting halimbawa.

Hindi ba’t isang magandang pamasko at regalo sa pagpapalit ng bagong taon ang pangyayaring ito kay Mark Anthony?!

Sana’y makaagapay ni Mark Anthony ang kanyang pamilya at mga tunay na kaibigan sa kanyang pagbabagong-buhay.

At sa industriya ng entertainment – please give Mark Anthony a chance.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Talento mo sa paggawa ng parol, isali sa “Kumukutitap 4” ng QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW ba ay isa sa daang libong QCitizens na may itinatagong …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paglalantad sa backdoor

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MATAPOS mapanood ang privilege speech ni Senator Raffy Tulfo …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Serbisyo ng LTO, hanggang Sabado na

AKSYON AGADni Almar Danguilan PASO na ba ang inyong lisensiya sa pagmamaneho at hindi makapag-renew …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *