Sunday , October 13 2024

Angel, nanggigil: desisyon ni Anne na ‘di muna magbuntis, ipinagtanggol

PINIPINTASAN pala ng mga netizen (‘yung mga mahilig sa social media, gaya ng Twitter, Instagram, at Facebook) ang desisyon ni Anne Curtis na huwag munang magbuntis.

Sa kabilang banda, may mga atat na atat namang paaminin na si Ellen Adarna na buntis na siya at mayroon din namang nag-aalala kuno na malalaos na ang sexy star dahil sa pagdadalantao n’ya.

May netizens nga rin palang bina-bash si Sarah Labati dahil sa pagbubuntis n’ya sa magiging pangalawang anak nila ni Richard Gutierrez. Sira na raw ang pigura ni Sarah dahil sa pagbubuntis n’ya.

Dahil kaya tungkol sa pagsilang ng super sanggol na Tagapagligtas ang Pasko kaya nagiging mainit na isyu sa netizens na showbiz followers ang pagbubuntis at di-pagbubuntis?

Siguro nga. At okey lang na masiglang-masigla pa rin ang madla sa pagtugaygay sa showbiz para ‘di sila malunod sa kalungkutan ng pagyao ng napakaraming mamamayan dahil sa tokhang.

Oo nga pala, personal at pribadong desisyon ng kababaihan ang hayaang may maipunlang buhay sa kanilang sinapupunan. Huwag nating sikilin ang karapatan nilang magpasya.

Nag-react nga pala si Angel Locsin sa Instagram n’ya sa mga namba-bash sa kaibigan n’yang si Anne na nagpasyang huwag munang magdalantao. Nanggigil siya sa galit. ‘Yung iba kasi ay na-mis-interpret ang pahayag ni Anne. Akala nila ay nagpasya si Anne na huwag maging ina habambuhay.

Happily, lahat naman nang napapabalitang artistang nagdadalantao ay kayang suportahan ang sanggol na isisilang nila magtuloy-tuloy man o hindi ang relasyon nila sa ama ng kanilang magiging anak.

Hindi na po isyu ngayon ng moralidad ang pagbubuntis ng kasal o ‘di-kasal. Isyu po ‘yon ng responsibilidad.

At sana sa lahat ng mga isyu na ito, maaninag natin ang nobilidad (nobility) natin bilang mga tao na lalang ng Diyos.

VICE GANDA, NAPAIYAK:
ORAS SA PAMILYA,
KULANG NA KULANG

TAON-TAON pala na may mataas na nobility si Vice Ganda. Napaiyak siya sa isang press conference kamakailan sa pagsagot sa tanong kung ano pa ang mahihiling n’ya sa napakamatagumpay n’yang buhay.

Kung pwede lang dagdagan ang araw, naiiyak tuloy ako.  Kung pwede lang maging eight days sana ‘yung isang linggo para Monday to Saturday work ako sa ‘ Showtime’.  Naiiyak ako… sana maging tatlo ‘yung weekends, Saturday, Sunday, tapos may isa pa para mas mahaba ‘yung oras ko sa sarili ko sana, at saka sa nanay ko at sa pamilya ko, kasi nahihiya talaga ako sa kanila,” pagtatapat ni Vice Ganda sa isang press conference para sa Gandarrapido: The Revengers Squad, ang entry n’ya sa paparating na Metro Manila Film Festival.

Mas lalo siyang naluha nang ipagtapat n’yang may mga pagkakataon na nagi-guilty talaga siya dahil wala siyang oras para sa pamilya.

Alam kong nauunawaan nila pero hiyang-hiya talaga ako. ‘Yung lalo na ‘pag may tinutulungan ako sa ‘[It’s] Showtime’, minsan pumapasok sa utak ko, may binigyan na naman ako ng pera, ‘yung kapatid ko kaya may pera kaya? ‘Di ko alam kasi ‘di ko naman siya nakakausap.

“I need time to be able to talk to them. ‘Yung pamilya ko kasi sobrang baitThey will not oblige or pressure me to spend time with them. Kaya ‘yun lang kung pwede sanang 30 hours a day. Parang 20 sa trabaho, tapos 10 hours sa family, tapos eight days a week,” hinaing pa n’ya.

Matulungin si Vice sa madla dahil ang pakiramdam n’ya ay responsibilidad n’ya ‘yon dahil sa mga biyayang natanggap niya.

“Itong nangyari sa buhay ko naging obligasyon. Kumbaga, noong ibinigay sa akin ng Diyos ‘tong posisyon na ito lumaki ‘yung pamilya ko, at hindi na lang sila ‘yung pamilya ko,” aniya.

Ngayon pamilya ko na ang buong Pilipinas, hindi na lang nanay ko ang kailangan ko patawanin, kailangan ‘yung mga nanay sa buong Pilipinas mapatawa ko rin. 

“Hindi lang ‘yung mga kapatid ko ang kailangan kong tulungan, kailangan ‘yung ibang kapatid ko sa Pilipinas, matulungan ko rin sa paraang gusto ko … kaya ang laki-laki na ng pamilya ko.”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

About Danny Vibas

Check Also

kylie Robin Padilla Aljur Abrenica

Kylie may patama kay Aljur — a great leader is a man who can lead his family

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UY, grabe pero sapul na sapul nga yata si Aljur Abrenica sa cryptic …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …

Alan Peter Cayetano

CIA with BA’: Dapat bang ang ama ang laging masunod kapag nagdedesisyon?

SANAY tayong mga Filipino sa kultura na ang ama ang kadalasang may huling salita sa …

Carlos Yulo Chloe San Jose

Chloe sa mga tumatawag sa kanya ng famewhore — nakapag-build na ako ng name before ko pa makilala si Caloy

MA at PAni Rommel Placente IPINAGTANGGOL ni Chloe San Jose ang sarili sa akusasyon ng  kanyang bashers, …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *