Saturday , October 5 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Civic group na Tagasupil, awtorisado bang humingi ng tara sa mga vendor?

DAAN-DAANG vendors na nakapuwesto sa Blumentrit hanggang Tayuman ang nagtatanong sa mga kinauukulan kung awtorisado nga bang hu­mingi ng tara sa kanila araw-araw ang grupo ng Tagasupil.

Naiulat na minsan ang ginagawang kolektong ng nasabing grupo ngunit dinedma lang umano ang isyu at lalo pang tinaasan ang kanilang tara mula P100 at ngayo’y P120 na.

Sinabi daw sa kanila ng liderato ng civic group na kinilalang isang Boss Allan na walang mangyayari sa kanilang mga hinanaing dahil super lakas at direkta siya kay punong lungsod Erap Estrada.

Kawawa naman daw sila dahil napakarami na nilang binibigyan ng tara partikular ang hawkers, barangay at ilan pang opisyal. Para bagang sila na lamang ang kanilang ipinaghahanapbuhay.

Paano naman ang kanilang pamilya lalo sa nalalapit na kapaskuhan? Hinggil dito ay nana­nawagan daw sila sa mga kinauukulan lalo sa butihing Mayor Erap Estrada na pakibusisi ang kanilang hinanaing.

DETACHMENT
COMMANDERS
NA DAPAT BIGYAN
NG PAPURI

Alam nating lahat na kalimitang nabibigyan ng parangal ang kanilang mga hepe o station commander ng mga presinto’t estasyon. Bihirang dumating ang pagkakataon na nakikitaan ng accomplishments ang mga second in command na detachment commander at ang kanilang mga tauhan. Kaya’t sa pitak na ito ay nais ng inyong lingkod na purihin ang tatlong matitikas na mandirigma sa katauhan nina Major Marlon Mallorca ng Blumentrit, Major Elmer Oceo ng Paz at Major Butchoy Gutierrez ng Plaza Miranda.

Pinanatili nina Mallorca at Gutierrez ang kaayusan sa Blumentrit at Plaza Miranda sa loob ng dalawang taon. Maluwag pa rin ang trapik at napapanatili ang disiplina, sistemado at maayos ang sandamakmak na vendors nang walang nagrereklamo.

Si Oceo naman sa kabilang dako ay ganoon din. Sa tulong ng kanyang nasasakupang barangay, walang takot niyang ginalugad ang mga liblib na lugar kabilang ang mga estero na may posibi­lidad na pagtaguan ng mga tagasuporta ng ISIS Maute group at ilan pang grupong kriminal.

Kudos sa inyong tatlo at nawa’y panatilihin ninyo ang inyong naumpisahan.

Congratulations at mabuhay kayo.

***

Belated happy, happy birthday to my kompadre Rey Galupo of Philippine Star last Monday, December 4, 2017. Wishing you the best of luck and good health.

Mabuhay ka.

PETMALU TALAGA
SECURITY NG MANILA
POLICE DISTRICT
(MPD)

Petmalu o lehitimong malupit ang pinapakitang security ng Manila Police District (MPD) sa kanilang nasasakupan o AOR.

Mantakin n’yo ultimo kasulok-sulukang liblib na lugar at maging mga estero sa buong Maynila ay kanilang nirerekisa’t iniin­s­peksiyon. Ang hakbang na ito ay alinsunod sa utos ni MPD director S/Supt. Joel Coronel laban sa krimen at banta ng terorismo lalo sa nalalapit na kapaskuhan.

Sinabi ni Coronel na ang mga liblib na lugar ay puwedeng pagpugaran ng mga tagasuporta ng ISIS at Maute group kung kaya’t ultimo mga estero at lahat ng daluyan ng tubig ay kanyang ipinarerekisa sa kanyang mga tauhan. Malaki aniya ang posi­bilidad na dito magdaan ang na-sabing terrorist group maging ang kanilang taga- suporta. Bukod dito ang iba pang grupo ng kri­minal gaya ng sinasabi niyang termite gang.

Sa isinasagawang aksiyon ng MPD ay makaaasa ang mga Manilenyo na magkakaroon sila ng isang maligaya at mapayapang Pasko.

More power General at mabuhay ka!

About Bong Ramos

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Sipat Mat Vicencio

Laban ni FPJ:  Inumpisahan ni Grace, tatapusin ni Brian

SIPATni Mat Vicencio NAGSIMULA ang ‘laban’ ni Senator Grace Poe nang bawian ng buhay ang …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors muling nag-hari sa Blumentritt

YANIGni Bong Ramos MULI na namang namayagpag ang mga vendor sa kahabaan ng kalyeng Blumentritt …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *