Monday , October 14 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Apol in, Bato out

PAGKATAPOS ibalik ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang Phi­lippine National Police (PNP) sa anti-drug war, inihayag din niya kung sino ang papalit kay Director General Ronald “Bato” dela Rosa bilang hepe ng pambansang pulisya.

‘Yan ay walang iba kundi ang PNP’s No. 2 man na si Deputy Director General Ramon “Apol” Apolinario habang si DG Bato ay magreretiro sa Enero 2018, sa mandatory retirement age, 56.

Welcome Gen. Apol. Thank you and goodbye DG Bato.

Alam nating maraming pulis o opisyal ang malulungkot lalo sa mga ‘malalapit sa kusina’ ng PNP sa panahon ni DG Bato pero marami rin ang medyo natutuwa nang malaman na hindi na mai-extend ang kanyang termino.

Isa kasi sa mga obserbasyon sa liderato ni DG Bato ang kahinaan niya sa pagdisiplina sa mga scalawag na pulis na sangkot sa illegal gambling.

Bukod sa pagpapabalik sa mother unit ng mga scalawag na pulis, walang significant na nagawa si DG Bato para magmarka ang kanyang lide­rato sa mga kapwa pulis.

Gaya ng mga pulis na mahuhusay umano sa delihensiya ‘este gawaing intelihensiya.

Isa na ang Manila Police District (MPD), na isang opisyal ang malakas magpanggap na matinong pulis kaya nabibigyan ng magandang intelihensiya ‘este pwesto.

Parang takot na takot si DG Bato na disiplinahin ang mga lespu niya kahit ‘yung mga sinasabing nag-abuso sa pagpapatupad ng anti-drug war.

Anyway, kung bibilangin naman ang mga nagawa ng PNP sa ilalim ng liderato ni DG Bato ay masasabi nating nakatulong nang malaki sa peace and order ng bansa.

‘Yun nga lang, tila nagkaroon ng pang-aabuso. Hangad natin, sa pagpasok ng liderato ni Gen. Apol ay madisiplina niya ang mga pulis na delihensiyador na matitinik umano sa gawaing intelihensiya.

Gen. Apol, sila ang isa sa mga sumisira sa magandang pangalan ng PNP. Sila ‘yung tinatawag na masasamang nilalang kaya huwag kayong magpapalinlang.

Good luck generals Bato & Apol on your next endeavours!

AT LAST, SANDRA
CAM PASOK NA
SA DUTERTE ADMIN

GAANO man kahaba at kabagal ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy.

Kaya huwag magtaka kung bakit ngayon lang nakapasok si Manay Sandra Cam sa Duterte administration.

Yes!

Si Manay Sandra ang bagong board member ng Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO).

Sus, kung nakita lang ninyo kung paano sumuporta si Manay Sandra kay Tatay Digong noong panahon ng eleksiyon kahit na siya ay kandidatong senadora.

Hindi lang suportang sigaw-sigaw o abot-abot ng leaflets, pinupunas pa ang pawis.

Buti na lang malakas-lakas pa ang tuhod ni Manay Sandra kaya naman naipakita niya ang kanyang todo-todong suporta.

Magagamit nang husto ni Manay Sandra ang kanyang kaalaman sa paglaban sa matitigas ang ulong jueteng lords na pinasasakit ang ulo ni GM Alexander Balutan.

Hindi pa natin nalilimutan nang mag-whistleblower si Manay Sandra na nagsangkot sa magtiyo na sina Mikey at Iggy Arroyo (RIP) sa jueteng.

Ibig sabihin, kapado ni Manay Sandra ang operasyon ng mga jueteng lord kaya tiyak na makatutulong siya kay GM Balutan.

Abangan natin ang napipintong bakbakan ng PCSO at jueteng lords na ginagamit na prente ang Small Town Lottery (STL).

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *