Tuesday , October 15 2024

Panahon na para maitayo muli ang konsulado sa Houston, Texas

SA KABILA na napakaraming Filipino na ang naninirahan sa State of Texas, ang pangalawa sa pinakamalawak na estado ng United States, ay nanatiling tila nagdadalawang isip pa rin ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs na magtayo ng konsulado sa State na ito.
Ayon sa mga ulat na nakarating sa Usaping Bayan, ito ay dahil sa ilang interes na sumasabotahe umano sa planong pagtatayo muli ng konsulado sa Houston, Texas, na pinananahanan ang bulto ng mga Filipino sa State na ito.

Ibig daw ng mga taong nananabotahe na manatili ang kasalukuyang siste na sa isang outreach program lamang naabot ng konsulado ng Filipinas (Los Angeles) ang mga kababayan natin na naninirahan sa buong Texas, lalo na ‘yung kailangang mag-ayos ng pasaporte.
Dangan kasi ay nabibiyayaan daw ang mga interes na ito sa tuwing magkakaroon ng outreach program sa Texas at tiyak na mawawala ang biyayang tinatamasa raw nila sa mga manaka-nakang outreach program kung matatayong muli ang konsulado sa Houston.
Para sa kaalaman ng lahat ay dating may konsulado sa Houston, Texas – ang ika-apat sa pinakamalking lungsod sa US at sentro ng iba’t ibang konsulado ng iba-ibang bansa. Isinara ito noon dahil kaunti raw ang bilang ng mga Filipino na naninirahan dito. Subalit sa pagdaan ng panahon lumobo na ang bilang ng mga kababayan natin na naninirahan sa southern state at ayon sa census ay umaabot na sila sa halos 200,000.
Karamihan sa kababayan natin na nasa Texas ay mga doktor, nars at guro na nagsususmikap upang makapagpadala ng pera sa mga naiwan nila sa Filipinas.
Hindi lingid sa mga taga-konsulado sa Los Angeles, umaabot sa 24-oras nang walang tigil na mabilis na pagmamaneho ang biyahe mula sa Houston, Texas hanggang sa ating konsulado sa LA at umaabot naman ng tatlong oras at kalahati ang biyahe sa eroplano.
Malaking gastusin at abala sa libong mga kababayan natin ang magparoo’t parito sa konsulado sa LA. Sila po ang mga tao na matutulungan ng DFA kung itutuloy ng departamento ang pagtatayo ng konsulado sa Texas.
Kaya nananawagan po ang Usaping Bayan kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, Philippine Embassy Chargé d’Affaires Patrick Chuasoto at Consul General Adelio Angelito Cruz na pakinggan ang daing ng nakararaming kababayan natin.
Huwag po kayong magpalinlang sa mga nagsasabing hindi agaran ang pangangailangan ng mga kababayan natin na maitayong muli ang konsulado rito sa Texas.
* * *
Mga environmentalist nanawagan na ratipikahan ng ating gobyerno ang Basel Convention on the Control of Trans-boundary Movements of Hazardous Wastes and Their Disposal para matigil ang kaugalian ng mayayamang bansa na magtapon ng kanilang mga mapanganib na basura sa mga bansang “less developed” tulad natin. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com
Sana ay makaugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.
* * *
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN
ni Rev. Nelson Flores, Ll. B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *