Friday , June 24 2022
USAPING BAYAN ni Nelson Flores

Isang Bukas na Liham

USAPING BAYAN
Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

SA MGA KASAMA, ngayon at dati; kamag-anak, kamag-aral at kaibigan,

Para sa inyong kaalaman, ako po ay hindi nagbabago. Ang buod ng aking katauhan at paniniwala ay pareho pa rin. Aaminin ko na talagang naging kagulat-gulat ang aking mga huling pasya pero ito ay bunga ng mahabang pagninilay.

Marami sa mga lumang paniniwala na akala ng karamihan sa inyo, lalo ng mga dating kasama, ay aking patuloy na isinasabuhay ay matagal ko nang isinuka. Walang pagbabagong mangyayari sa ating bayan kung patuloy nating panghahawakan ang lumang pagsusuri, paniniwala at kung atin pa rin susuportahan ang mga indibidwal na neoliberal at kanilang paniniwala sa ngalan ng dilawang demokrasya.

Ang mga neoliberal, halimbawa tulad ng pamilyang Aquino at ni VP Leni Robredo, ang masugid sa pagsusulong ng neoliberalismo. Kaakibat nito ang matinding privatization ng pamahalaan dahilan para mawalan ng proteksiyon ang taong bayan sa panghihimasok ng mga dayuhang korporasyon. Ang mga ganid na korporasyong ito ang ugat nang pagtaas ng halaga, kundi man tuluyang kawalan ng mga gamot, pagkain, langis, edukasyon, pabahay, pagkalingang pangkalusugan at marami pang iba.

Malinaw sa akin na ang aking pasya ay hindi kabuuang tugon sa malalim na problema ng bayan, sa kanser ng lipunan na panahon pa ni Rizal ay tinatalakay na. Pero sa palagay ko ito’y ang tamang unang hakbang para makapagmulat tayo ng mas nakararami sa ating lipunan gamit ang kaisipang batay sa ating kultura at kapaligiran. Aminin natin na batay sa estado ng mga kilusan ngayon at kawalan ng kakayahan na magpakilos ng laksa-laksa ay malayo na tayo sa taong bayan at ang nagdaang halalan ang patunay dito. Walang debate laban sa 31 milyong boto. Walang debate sa katotohanang wipe out kayo.

Kailangang humalaw ng bagong daan tungo sa paglaya, pinaglumaan nang panahon ang mga taktika at estratehiya na nakagisnan kung mayroon man. Itapon na ang doktrina ng dayuhan at yapusin natin ang  Ideolohiyang Filipino (FI). Bigyan natin ng pagkakataon at suportahan pero bantayan laban sa katiwalian ang nanalo sa nagdaang halalan.

Gawin natin ito alang-alang sa bayan. Mabuhay. 

Kasihan nawa tayo ng Diyos.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

PROMDI ni Fernan AngelesI

Sindikatong laglag pangalan

PROMDIni Fernan Angeles HINDI na bago ang usapang SOP sa mga proyektong nakukuha ng mga …

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

Hunyo 12 pekeng araw ng kalayaan

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. ANG pagpapahayag ng kalayaa’y tanda ng pagbawi sa …

Dragon Lady Amor Virata

Mga bastos sa FB swak na sa kulungan

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata KINATIGAN ng Korte Suprema ang desisyon na ang mga …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Iyaking Hunyango

PROMDIni Fernan Angeles SA ITINAGAL-TAGAL ko sa pagiging peryodista, hindi ko na rin mabilang kung …

Krystall Herbal Oil

Bakit KRYSTALL Herbal Oil ang gamit ni Lola Ising?

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …