Saturday , October 5 2024
ASOP UNTV A Song of Praise Music Festival

ASOP Music Fest entries, pang-millennial ang tema

VERY millennial ang tema ng mga awiting kasali sa 2017 A Song of Praise Music Festival (ASOP), ang taunang songwriting competition na magaganap na sa November 13 sa Araneta Coliseum at mapapanood saUNTV 37.

Kumbaga, hindi nagpahuli sa mga usong biritan at hugot ang tema ng mga awiting kalahok sa ASOP.

Makabagbag-damdamin ang mga kuwentong nakapaloob sa mga kantang kalahok sa ASOP. At ngayong ikaanim na taon na nila, patuloy silang magbibigay-inspirasyon at pag-asa sa pagbabahagi ng kanilang mga papuri sa pamamagitan ng awitin.

Bukod sa P1-M papremyo, maririnig sa 12 kompositor ang kanilang mga awitin na huhusgahan ng mga batikang mang-aawit at composers sa music industry.

Kung ating matatandaan, si Noemi Ocio, 19, na sumulat ng Kumapit Ka Lang ang nanalo. Kaya naman ngayong taon, inaabangan kung sino-sino sa 12 finalists ang magwawagi.

Ang 12 grand finalists na maglalaban-laban sa finals night ay sina May Alona Trogue, Gabundok Man(Brenan Espartinez, interpreter); Joyner Dizon,Sumasamba Sa ‘Yo (Dan Billano, interpeter); P.A. Atienza, Nonie Ramos, at Nino Cristobal, Carry On(interpreter, Sam Mangubat); Ikaw Ang Aking Dios niLorna Petrasanta (Liezel Garcia); Sapat Na Ba? niEmmanuel Lipio, Jr. (JV Decena); Dahil Sa Iyo ni Carlo David (R&B King Jay R ang aawit); Wala Kang Katuladni Reymil Anania (RJ Buena).

Kasama rin ang Ikaw Panginoon nina Jocelyn Canlas atJonathan Bobis (Jay-R Siaboc); If You Believe ni Gio Levy (Apple Delleva); You’re All I Need ni Jessan May Mirador (Kris Angelica); Hallelujah To The One ni Zion Aquino (Gail Blanco); at Beside Your Heart ni Shane Kim Lumanog (Zsaris).

Ani Mon del Rosario, ASOP official, ang 6th edition ay fusion ng iba’t ibang genre, na mula sa R&B, jazz, glam rock, pop rock, at ballad.

“Songs that reflect the songwriters’ fight with depression, hopelessness, battle with cancer, and death in the family. Another writer competing this year shared through his song how his life becomes complete after finding God,” sambit ni Doc Mon.

Sina Toni Rose Gayda at Richard Reynoso ang host ng gabi at mapapanood ang pagpili sa mga grand finalist sa UNTV 37 na may simulcast sa Radio La Verdad 1350 KHz.

About hataw tabloid

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine sa paglilibang ng Pinoy Drop Ball — Let’s be a responsible gamer, balanse ang saya sa pagtaya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA opisyal na pagbubukas ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus, masayang ibinahagi ng ambassador …

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Perya feels handog ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PERYA feels ang ibinabandera ng pinakabagong laro ng BingoPlus, ang …

Piolo Pascual Rhea Tan Beautéderm

PIOLO PASCUAL NAGPAKILIG SA MEET AND GREET SA BEAUTÉDERM HQ,  
Ms. Rhea Tan nagdiriwang ng 15 taon sa negosyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Ultimate Heartthrob ng bansa na si Piolo Pascual ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *