Thursday , January 16 2025

Ang climate may change, ang PNoy remnants sa DENR nagkakanlong sa climate change

HINDI nakabubuti sa kalikasan at sa mamamayan ang ‘sikat’ na katagang climate change. Bagama’t malaking debate ang teoryang “aktibidad ng mga tao sa daigdig ang nagbubunsod ng climate change” gaya ng gustong palutangin ng mga nagpapakilalang pulis ng planeta at kalawakan, mas malaking bilang ng mga siyentista sa buong mundo ang nagsasabing ‘hoax’ ang teoryang ito.

Paano nga naman dadaigin ng mga tao sa isang maliit na planetang gaya ng daigdig ang aktibidad ng araw sa kalawakan, gayong dominante ito sa buong solar system.

Singlaki ng kalawakan ang isyung ‘yan, pero sa Filipinas, ang Climate Change ay isang yunit sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pinagkakanlungan ng ‘remnants’ ng PNoy administration.

Pinangungunahan ang nasabing remnants ng isang opisyal na nakatutok sa endangered species of wild fauna and flora na kilalang tao ni dating secretary Ramon Paje.

Isa sa unang ginawa ng grupong ito nang manalo sa eleksiyon si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay nangagsipagsiksikan at nagkanlong sa Climate Change department upang hindi sila mapansin.

Hindi dahil nagmamalasakit sila sa klima at panahon na nakaaapekto sa bansa at sa mamamayan, kundi para patuloy silang nag-eempleyo at sumusuweldo kahit hindi naman sila nagtatrabaho.

Hindi natin sinasabi na hindi mahalaga ang yunit na ito sa DENR pero ang importante dapat naiintindihan nila kung ano ang kanilang trabaho.

Sa realidad, hindi alam ng remnants ng Pnoy administration kung ano ang trabaho nila sa Climate Change.

Kaya imbes makatulong sila sa “change” na isinusulong ng bagong administrasyong Duterte, isang grupo sila na nagpapanatili ng bulok na pagtingin at pag-unawa sa ‘climate change.’

Hindi na nakatutulong sa isinusulong  na pagbabago ni Pangulong Duterte, ginamit pa ang isyung ‘climate change’ para magkaroon ng change sa sariling bulsa.

Ano ngayon ang pagkakaiba ng change ni Pangulong Digong sa ‘change’ kuno na isinusulong ng mga taga-Climate Change?!

Naghihintay lang sila ng changing of guards!

Secretary Roy Cimatu, dapat diyan sa Climate Change unit unang magkaroon ng pagbabago sa loob ng DENR.

Alam na!

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Peace o power?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANO pa man ang itawag, ang “peace rally” na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 100-araw ni Col. Buslig sa QCPD, krimen patuloy sa pagbaba

AKSYON AGADni Almar Danguilan ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M …

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *