Monday , October 7 2024

Huwat?! Walang gov’t ID si Manay Sandra Cam?

KAPAG high-risk person ba, talagang walang goverment identification cards (IDs)?!

Kapag whistle-blower ba parang CIA agent-movie na kailangan walang identity cards at tanging credit card lang ang dala?!

Kapag kandidatong appointee sa government post, dapat matapang at nambu-bully?!

‘Yan po ang running joke ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang makapigil hiningang ‘pagwawala’ raw ni Madam Sandra Cam nang hanapan siya ng ID at pagbayarin sa NAIA VIP lounge.

Anyway, nabasa lang natin ito sa diyaryo at naikuwento rin ng ilang kaibigan natin sa NAIA, pero hindi natin akalain na ganito pala kagrabe ang nangyari.

Wala pa rin pong sagot sa insidenteng ito si Madam Sandra.

Nanghilakbot naman tayo roon.

‘E hindi pa nga naia-appoint ni Tatay Digong, ganyan na katindi kung umasta, e paano na kung nai-appoint pa?!

Ang matindi, bitbit lagi ni Madam Sandra, ang pangalan ni Special Assistant to the President Bong Go.

Medyo nagtataka rin tayo rito kay SAP Bong, kasi kapag nagkakaroon ng mga ganyang insidente, parang laging pangalan niya ang nakakaladkad.

Una, noong arborin kay PNP chief. Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa si Eastern Visayas CIDG chief, Supt. Marvin Marcos sa pagpaslang sa drug lord na si Albuerra, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr.

Ikalawa, sa isyu ng Mighty Corp., na sinabing si SAP Bong din ang tulay sa Pangulo kaya hindi na ipinaaresto.

At ikatlo, ito ngang NAIA incident ni Madam Sandra Cam?!

E bakit nga ba laging ikaw SAP Bong Go, Sir?! Konting paalala lang po, SAP Bong Go, Sir, ikaw  ang pinakamalapit sa Pangulo kaya sana isipin mo na ikaw rin ang puwedeng maging ‘weakest link’ kapag may magpaplano nang hindi maganda sa Pangulo.

Pakibilang na rin po, tatlong beses na nakakaladkad ang pangalan ninyo sa mga kontrobersiyal na insidente.

Sa inyo naman po, Madam Sandra Cam, ‘wag namang high blood agad.

Mayroon talagang PROTOCOL diyan sa paggamit ng VIP Lounge ng NAIA.

Sinisingil kayo dahil hindi pa nga kayo government official. Gaano lang ba ang P1,120? Masusugatan ba niyan ang inyong wallet?

Kung high risk naman talaga kayo, gaya ng  ipinamumukha  ninyo  sa  NAIA  employee, dapat umarkila kayo ng private aircraft para solo ninyo ang hangar.

Sa totoo lang, hindi gumaganyan si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kapag dumaraan siya sa NAIA. Ayaw nga niyang masyado siyang bini-VIP, gusto lang niya normal na pag-aasikaso. Hindi OA at lalong hindi pangsipsip lang.

Konting lamig and be courteous naman Madam Sandra… Sabi tuloy ng mga tao sa NAIA, “Sandra Cam who?”

Pakisagot na nga po Madam!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *