Tuesday , October 15 2024
Malacañan CPP NPA NDF

Karahasan maghahari na naman?

SA galit ni Ka Digong mga ‘igan sa mga rebeldeng NPA, walang kaabog-abog na tinuldukan ng Mama ang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA), pati na rin ang usaping “long lasting peace” dito.

Sadyang tama nga naman ang ginawang aksiyon ni Ka Digong mga ‘igan, lalo pa’t wala na umanong nadarama at nakikitang sinseridad sa mga rebelde.

Mantakin n’yo nga naman mga ‘igan, nagdeklara ang mga ungas ng unilateral ceasefire tapos hayun…panay-panay naman ang atakeng pinaggagagawa sa ating mga sundalo, ang sundalo ng gobyerno! Nakalulungkot man sabihin, ngunit ang pag-atakeng kanilang ginagawa’y pagtraydor sa Hukbong Sandatahang Lakas at nakapipinsala ng kapwa nila Filipino.

Nakikita ba nila ito? O wala silang pakialam?

Tulad ng pag-atakeng ginawa ng grupong-komunista kamakailan lang, sa ating mga sundalo d’yan sa Mindanao. Aba’y ikinamatay ito ng tatlong sundalong gobyerno. Nakaaawa, lalong-lalo na ang mga pamilyang iniwanan ng mga suldalong namatay. Ganyan ba ang gustong mangyari ng grupong-komunista, ang makapinsala?

Dapat isaisip mga ‘igan, na ang tuloy-tuloy na girian sa isa’t isa o sa pagitan ng mga rebelde at sundalo, partikular sa usaping paglabag sa usaping “ceasefire,” ay nakababahala! Napakalaking epekto nito sa bansa, lalong-lalo sa taongbayan.

Maging si Ka Digong ay hindi patok sa mistulang pagdidikta sa kanya ng mga rebelde na palayain ang 400 political prisoners.

Aba’y sobra na ‘igan…

Nakapanghihinayang mga ‘igan kung tuluyang mawawalang parang bula ang “peace talks.” Paano na ang lubos na kapayapaan ng bansa? Hahayaan na naman ba nating maghari ang karahasan sa ating bansa?

Ka Digong baka may magawa pang paraan…

SIMBAHAN PALABAN

Tuloy-tuloy mga ‘igan ang pagbatikos sa simbahan ni Ka Digong. Walang katapusang bangayan! Ang ugat ay pakikialam ng simbahan sa pinaigting na kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte. Ano nga ba ang dapat, ang gusto ng mga pari at Obispo na makialam sa pananahimik sa mga patayang nagaganap na may kinalaman laban sa droga o ang pagpapatupad sa kagustuhan ng gobyernong Duterte na pabagsakin o patahimikin ang mga sangkot sa droga na sa simula pa lamang ay salot sa lipunan?

Parehong may magagandang layunin para sa kapakinabangan ng sambayanan. Panawagan ng simbaha’y “huwag matakot, magsalita” laban sa nagaganap na patayan sa bansa.

‘Ika naman ni Ka Digong, “kayong gustong matapos ang droga pero mapunta sa impiyerno, sumabay kayo sa akin…”

He he he…

Tunay na magkasalungat ang paniniwala ng simbahan at ng administrasyong Duterte sa isyung ilegal na droga. Kayo mga ‘igan, saan kayo papanig sa isyung illegal drugs? Sa simbahan ba o kay Digong na papuntang impiyerno?

Tunay na ang buhay ay galing sa Diyos at walang ibang makababawi nito kundi ang Diyos din. ‘Ika nga ng simbahan, “Not even the government has a right to kill life because it is only God’s steward and not the owner of life.”

Paano na ito ‘igan, kung patuloy pa rin ang patayang magaganap sa bansa?

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI –  ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *