Wednesday , December 4 2024

Republic Act 10592 palaisipan

WALANG patid na pinagtatalunan mga ‘igan ng Bureau of Corrections at ng Department of Justice ang tamang interpretasyon ng Republic Act 10592, kung puwede nga bang bigyan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law ang taong gumawa ng heinous crime o karumal-dumal na krimen.

Isa na nga rito umano ang kasong kina­sasangkutan ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez, na hiniling ng pamilya na siya’y mapalaya sa ilalim ng GCTA.

Sa pagkakadawit ng umano’y pangalan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mariin nitong itinanggi na inirerekomenda niyang mabigyan ng clemency si Sanchez. Ito’y sa pangyayaring nabanggit ni Board of Pardons and Parole Executive Director Reynaldo Bayang na sumulat sa kanya si Ka Salvador Panelo para isangguni ang kahilingan ng pamilya Sanchez na mapalaya si dating Calauan Mayor Sanchez. Aba’y todo-tanggi si Panelo na siya’y nakialam at inirerekomenda na mabigyan ng clemency si Sanchez.

Sa isyung ito mga ‘igan, ang pagkakaunawa ng nakararami’y inen­doso umano ni Panelo na mapa­ka­walan si San­chez, na kliyente niya noong dinidinig ang rape-slay case.

Oh! Wrong mistakes…he he he…

Naisangkot din mga ‘igan ang pangalan ni dating Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa umano’y humiling na mabigyan ng “executive clemency” ang rape with homicide convict na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Ipinadala umano nito ang kanyang liham kay Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte noong 29 Mayo 2017 na nagsasaad ng ganito, “Inilalapit namin sa inyo ang problema ni G. Antonio L. Sanchez, dating alkalde ng Calauan, Laguna at nagdurusa ng kanyang sentensiya sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison.”

Dagdag niya, masyado umanong matanda at may lumalalang kalusugan si Sanchez kung kaya’t nararapat na raw itong mapakawalan sa kulungan.

Gayonman mga ‘igan, noon pa mang 27 Pebrero 2019, ibinasura na ng Bureau of Corrections ang aplikasyon ng clemency. At pumutok na naman ang pangalan ni Sanchez nang nahatulan ng ilang termino ng ‘reclusion perpetua’ sa panghahalay at pagpatay sa dalawang University of the Philippines students, matapos umarangkada ang balitang baka makalaya siya sa pamamagitan ng GCTA Law.

Dahil sa galit ng taongbayan , sinuspende ang proseso ng GCTA habang sumasailalim sa review ng isang inter-agency committee.

E paano na kaya mga ‘igan ang mga naka­walang bilanggo na convicted sa heinous crimes? ‘Di kaya dapat nang ibalik ang death penalty sa bansa? Ang isa pa’y ingat na ingat umano si Ka Digong sa paglagda o pagbibigay ng exe­cutive clemency, pero ano’t  mabilis pa umano sa alas-kuwatro ang pagpapalaya ng BuCor sa mga bilanggo na nasangkot sa karumal-dumal na krimen? Isa nga ba itong palaisipan mga ‘igan?

BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *