Saturday , September 7 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Patakaran at polisya ng BJMP walang sustansya’t katuturan

WALANG sustansya’t katuturan ang mga polisiya at patakaran ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nagmumukhang proteksiyon at cover-up lang ng kanilang liderato at mga opisyal sa loob ng mga municipal at city jail sa buong bansa.

Isa sa mga patakaran ng BJMP na isang malaking kahangalan ay media entry sa loob ng kanilang mga premises na kulang na lang sabihing bawal at off-limits kayo rito sa mga tabakohan namin.

Mantakin ninyo, kung sakaling may signipikanteng kaganapan o ipagpalagay nating may gustong tanungin o interbyuhing kawani o opisyal ng BJMP o maging inmate at detainee ay iisa lang ang itutugon sa ‘yo sa entrance: “Hindi po puwede, kailangan n’yo pong humingi ng clearance sa central office.”

Halimbawang may naganap na patayan, riot at kung ano-ano pa, clearance pa ba galing sa kanilang pamunuan at superyor ang kukunin at hihintayin ng media?!

Anak ng tokhang!!!

May estilo pa minsan: “Out of town si Sir, wait po natin dahil siya lang ang pwedeng signatory for approval.”

Susmaryosep!

Mga partner, pare-pareho lang naman tayong lumaki sa andador. Minsan kasi ang tingin sa atin ng mga diyaskeng ito, tayo’y mga ‘bilogan.’ For your information, hindi kami bilog!

Nahahalata tuloy na ayaw nilang mabuking natin na may talamak na corruption pa rin sa BJMP jail!

BARANGAY CHAIRWOMAN

VIP SERVICE NG MPD!

Marami ang nagugulat at nagtataka kung ano ba talaga ang papel sa buhay ng isang barangay chairwoman sa Antipolo at Blumentrit streets sa Sta. Cruz, Maynila na guwardiyado at hatid-sundo ng mobile ng Manila Police District (MPD) paglabas at pag-uwi ng bahay.

Hindi raw maintindihan ng kanyang constituents ang lakad ni Kapitana sa buhay dahil ni minsan ay hindi naman ito matatagpuan sa kanyang barangay hall?!

Mas lalong hindi rin daw makausap nang maayos dahil para bagang tulala at palaging malalim ang iniisip.

Minsan daw ay nais nilang kausapin si Kapitana upang tulungan at tanungin na baka siya ay may death threat o banta sa buhay.

Handa naman daw silang tumulong nang taos-puso, sabi ng mga constituents niya. Ultimo kanyang mga kagawad at mga tanod ay naguguluhan na rin.

Tinatanong daw nila ang kanilang mga sarili kung bakit may police escort samantala meron naman siyang tanod at barangay police.

Alam kaya ni MPD district director PSSUPT. Jigz Coronel, ang VIP police escort ni Kapitana?

BIGYAN PAPURI

ANG ISANG KAPITANA

AT CHAIRMAN

Purihin natin sa kabilang dako ang isang kapitana at isang matipunong chairman na halos ipusta ang kanilang buhay para sa kapakanan ng constituents sa kanilang barangay sa Tondo, Maynila.

Una natin bigyan ng rekognisyon si Kapitana Marie Balawitan ng Barangay 204, Zone 18, District 2, Tondo, Manila.

Ladies first ‘ika nga.

Ganoon din ang pagpuri kay Chairman Alfredo Boy Samson ng Barangay 216, Zone 20.

Isa siyang retiradong pulis-Maynila na umidolo kay dating Mayor Alfredo Lim kung kaya’t pinagbasehan ng pangalan ng kanyang mga magulang na mas umiidolo sa huli.

Pareho ang adbokasiya ni Balawitan at ni Samson sa buhay. Tinaguriang drug-free ang kani-kanilang barangay at number one sa disiplina ang kanilang mga residente.

Ilang beses silang inalok ng ‘timbre’ ng mga gambling lord lalo ng mga maintainer ng video karera machine kapalit ang paglalatag ng VK machines pero Busted at turn-down sa kanila.

May pabaon pa silang mura sa mga ilegalistang lumalapit.

Disciplinarian si Samson kaya’t ultimo pag-inom ng alak sa sa kalye sa kanyang nasasakupan ay bawal.

Si Balawitan ay kilalang maangas at maanghang magbitaw ng salita maski sa kagawad at tanod na pasaway kaya disiplinado sa buong barangay sa 2nd district ng Tondo, Maynila.

Sa inyong dalawa, isang masigabong YEHEY!

Mabuhay kayo!

KONTRA DROGA PA

MORE NG MPD!

Puspusan pa rin ang sinasabing pagsugpo laban sa ilegal na droga ng ating pulisya sa bansa.

Kapansin-pansin at nakapagtala ng isang malaking accomplishment ang mga pulis-Maynila sa pamumuno ni MPD director, S/Supt. Joel Coronel sa Drug Raid na ikinasa ng mga operatiba ni MPD Binondo PS11 under Col. Daro.

Umabot sa 100 milyon ang nasamsam sa buy bust operations ng PS11 SAID-SOTU at Intel.

Kudos C/Insp. Leandro Gutierrez at Sr/Insp. Edward Samonte!

Walang patid pa rin ang OPLAN GALUGAD ng nina PS1 Col. Ulsano at PS-7 Col. Daniel kontra droga!

Pumupuntos na rin ang bagong liderato ni PS-5 na si Supt. Romy Desiderio na lima ang napaslang makaraang manlaban sa isinagawang one time big time operation sa Baseco, Maynila.

Isang matinding saludo sa inyo mga Sir!

YANIG – Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Senator Cynthia Villar tatakbo para sa kongreso  magpinsang Aguilar maglalaban para sa mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NOONG nabubuhay pa ang yumaong Vergel “Nene” Aguilar, tahimik …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ano pa ang hinihintay ng DOH sa Mpox vaccine?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman daw kailangan ng social distancing para sa seguridad …

YANIG ni Bong Ramos

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Sino ba ang dapat managot?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG ibunyag ni Senator Risa Hontiveros na nakalabas na sa bansa …

Dragon Lady Amor Virata

Boluntaryong leave of absence isinumite ng Vice-President ng NPC

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGSUMITE ng kanyang leave of absence si National Press …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *