Saturday , September 23 2023
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Global norms’ nawiwindang sa mga nagdaang eleksiyon sa PH at sa Amerika

UNA, ano ba ang global norms, ito po ang itinatakda ng isang sistemang umiiral.

Yun bang tipong, mayroong padron na kilos, ugali, pananaw, paniniwala at antas ng ekonomiyang kinaiiralan.

Kapag hindi nangyayari ang inaasahan ng kung sino o anong puwersa na nagtatakda ng global norms, idedeklara nilang mayroong maling nangyayari sa mundo.

Kaya nawindang ang mga intelektuwal, political activists, religious sector, akademya at iba pag institusyon na naniniwala sa itinatakda ng global norms nang ihalal ng 16 milyong Filipino ang isang Rodrigo Duterte para maging ika-16 na Pangulo ng bansang Filipinas.

Marami pa rin ang hindi maka-move-on lalo na mayroong mga desisyon si Pangulong Duterte na hindi katanggap-tanggap sa itinatakda (ng kung sino) sa norms ng isang lipunan.

Campaign 2016 Trump

Hindi pa man nakamo-move-on, heto na naman, inilampaso ni Donald Trump si Hillary Clinton sa kanilang eleksiyon nitong Nobyembre 7.

Hahaha! Parang mababaliw na ang mundo!

Bakit nananalo sa eleksiyon o bakit ibinoboto ng mga tao ang mga gaya nina Duterte at Trump?!

Tanong ng mga manang, malapit na raw bang magunaw ang mundo?!

Ang sabi ng mga intelektuwal, napuno na ba ng mga bobo at gunggong ang mundo?

Analysis ng mga pana-panahong political activists, hindi na inirerespeto ang human rights sa mundo.

Binabansagang sociopath, psychopath, schizophrenic, ang mga naihahalal na wumawasak sa itinatakdang norms sa lipunan at sa buong mundo.

Para silang mga omnisyenteng nagtatakda kung ano ang dapat sa mundo.

Hahaha! Hindi kaya nila naitatanong sa kanilang pag-iisa kung ano ang plano ng Diyos sa mundo?!

Pare-pareho nating hindi alam kung ano ang sagot diyan. Bilang mga Filipino, abangan natin at bantayan, kung ano ang magaganap sa mga susunod na araw lalo sa relasyon ng Filipinas at ng Amerika.

Ngayon ba natin, makikita na henyo si Pangulong Digong nang magdesisyon siyang putulin ang pakikipagrelasyon Uncle Sam?!

Ngayon ba natin mapapatunayan na ang global norms’ ay winawasak ng mga gaya nina Duterte at Trump?!

Abangan ang mga susunod na pangyayari.

PAPERLESS, GARBAGELESS
NA ELEKSIYON MANGYARI
KAYA SA FILIPINAS?

071216 Comelec election vote

Ang isa sa mga hinangaan natin sa eleksiyon sa Amerika wala silang basura pagkatapos ng halalan. Walang mga polyetong ipinamimigay. Walang kung ano-anong streamers, posters o papel na nakakalat kung saan-saan. Walang political television ads. At iba pang uri ng propaganda materials para sa eleksiyon.

Ang mayroon sa kanila two-party system elections. Naglulunsad ng debate para ipakita sa buong Estados Unidos kung sino ang karapat-dapat na maging Pangulo ng Amerika. Kaya pagkatapos ng eleksiyon, malinis at walang kalat.

Sana ay isa ito sa magawan ng formula ng Commission on Elections (Comelec) hindi puro pamomolitika ang inaatupag.

Panahon na para isulong ng mamamayang Filipino ang eleksiyong walang basura!

BAGITONG LESPU SUMISIKAT
SA PITSAAN SA DIVISORIA?!
(ATTN: NCRPO RD
CSUPT. OSCAR ALBAYALDE)

090816-ncrpo-albayalde-mpd-coronel

Mukhang maraming dapat baguhin ang PNP sa kanilang sistema mula police recruitment at training.

Iba na kasi agad ang natututunan ng ilang bagong pulis. Sa halip na trabahong pulis ay pagkakaperahan agad ang inaatupag!

Isa na nga ang isang alias TATA SONKGO  na   putok na putok sa Divisoria sa pangongolektong sa mga vendor. Pati latag ng mga ilegal na sugal ay pasok rin sa kanya!

Sonabagan!!!

Kung nakamamatay nga raw ang mura ay tiyak todas na raw si Tata Songko y bokal sa dami ng mura mula sa mga vendor!

MPD district director SSupt. Jigz Coronel, papayag ho ba kayo na isang bagitong pulis lang ang sisira sa pamamalakad ninyo sa MPD?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-utol na meyor may dementia o amnesia?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata BILIB na sana ako sa kasipagan ng magkapatid na …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

SIM card registration law ‘di kinatakutan ng scammers

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MUKHANG hindi natakot ang mga scammer sa SIM card registration law …

00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Confi at intel funds mahalaga kung gagamitin nang tama

ONIN’s THOUGHTSni Niño Aclan MAHALAGA para sa isang ahensiya ng pamahalaan ang pagkakaroon ng tinatawag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *