Wednesday , March 19 2025

Paalam, Inday Miriam

SUMAKABILANG-BUHAY na noong Huwebes sa edad 71-anyos si Sen. Miriam Defensor-Santiago, ang pinakamatapang na babaing naging opisyal ng ating bansa.

Ang nagpahayag sa pagpanaw ng senadora ay walang iba kundi ang kanyang asawa na si Atty. Narciso “Jun” Santiago. Payapa raw na binawian ng buhay habang natutulog.

Dalawang taon din siya nakipaglaban sa sakit na cancer. Maaalalang noong 2014 ay inamin ni Inday Miriam sa publiko na may stage four lung cancer siya.

Isinilang si Inday Miriam noong Hunyo 15, 1945 sa Iloilo City sa mag-asawang Benjamin Defensor, isang regional trial court judge, at Dimpna Palma, isang dean ng kolehiyo.

Nagtapos siya ng abogasya sa University of the Philippines at nagtrabaho na sa iba’t ibang sangay ng gobyerno. Nanilbihan siya bilang RTC judge mula 1983 hanggang 1987.

Itinalaga siya bilang commissioner ng Bureau of Immigration at matapang na nilabanan ang mga gang ng Yakuza mula 1988 hanggang 1989. Ipinaaresto at ipina-deport niya ang mga sindikatong kriminal.

Kabilang na rito ang mga kumukuha ng “mail-order brides,” kumukuha ng entertainer na ginagawang prostitute sa ibang bansa, at mga ilegal na kumukuha ng mga sanggol upang ipaampon sa Europe.

Naging kalihim din siya ng Agrarian Reform noong 1989. Inihalal siya bilang senador nang tatlong ulit at naglingkod mula 1995 hanggang 2001, 2004 hanggang 2010 at 2010 hanggang 2016.

Bilang mambabatas ay sumulat siya ng ilan sa pinakamahahalagang batas. Pero hanggang

ngayon ay nakabinbin pa ang kanyang anti-dynasty bill; freedom of information bill; at Magna Carta para sa Philippine Internet freedom.

Noong 2011 ay si Inday Miriam ang kauna-unahang Filipino at Asyano na inihalal na judge sa International Criminal Court (ICC) na may terminong siyam na taon. Ang masaklap nga lamang ay hindi na niya itinuloy noong 2014 nang dahil sa sakit na cancer.

Ang pakikipag-isang dibdib niya kay Santiago ay nagbunga ng dalawang anak, si Narciso III at ang yumaong si Alexander.

Nakapanghihinayang na kinilala ang husay ni Inday Miriam sa abroad nang mahalal bilang judge sa ICC at hinangaan din siya ng ating mga kababayan sa tapang niyang labanan ang mga sindikatong dayuhan, pero hindi pa rin ito naging sapat para maging pangulo siya ng bansa.

Tatlong ulit siyang inihalal bilang senador pero tatlong ulit din siyang tinanggihan ng mga botante para manalong pangulo. Ang pinakahuli ay nang tumakbo siya para presidente noong Mayo 2016 sa ilalim ng People’s Reform Party.

Kaibigan ko si Inday Miriam, mga mare at pare ko. Marahil ay siya ang pinakamahusay na pangulo na magpapatakbo sa bansa na tulad ng mahigpit na ina kung siya ang nagwagi.

Mami-miss ka ng lahat, lalo na ang mga pagbibiro mo na gustong-gusto maging ng mga kabataan.

Paalam!

BULL’S EYE – Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Tagilid si Pia Cayetano

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magiging maayos ang campaign strategy ni Senator Pia Cayetano, malamang …

Dragon Lady Amor Virata

Vloggers target ng NBI

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA RAMI ng fake news na nakikita natin sa …

Sipat Mat Vicencio

Si Bong Go ang lulusot na kandidato ni Digong?

SIPATni Mat Vicencio MALIBAN kay Senator Bong Go, ang walong natitirang senatorial candidates ni dating …

Firing Line Robert Roque

Problema sa disenyo o kinulimbat na pondo?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ILANG araw makalipas ang hindi kapani-paniwalang insidente — ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Molotov attacked sa kotse ng photojourn, QCPD nakapuntos na

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa man napapasakamay ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *