Friday , September 13 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Konsehal Roderick Paulate lucky sa ghost employees?

GHOST month nga pala ngayon.

Bigla naming naalala ang mga ghost scam — gaya ng ghost employees.

Isa sa mga politikong nasampahan ng kaso sa Ombudsman dahil sa ghost employees ay si re-elected Quezon City councilor Roderick Paulate.

Akala natin, mahilig magpatawa si Konsehal.

Pero puwede rin pala siyang ‘magpaiyak’ gamit ang pondo ng bayan.

‘Yun lang, mukhang mahaba ang suwerte ni Konsuhol ‘este’ Konsehal. Mantakin ninyong matapos hatulan (dismissal from office) ng Ombudsman na guilty sa falsification of public documents at illegal na paggamit ng pondong P1.125-M nakaraang Enero 2016 ay nakatakbo at nanalo na naman nitong nakaraang eleksyon?!

080516 roderick paulate

Ang buenas talaga ni Konsehal.

Ano bang strategy ang ginagamit ng mga adviser ninyo Konsehal Paulate at lusot na lusot kayo sa lahat ng iregularidad ninyo?

Ibang klase rin talaga.

Noon, nanghihinayang pa tayo kay Konsehal Paulate pero dahil mukhang wala naman siyang remorse sa kasong kinaharap niya at tila nagyayabang pa ‘e tuluyan nang naghulas ang natitira nating respeto sa kanya.

By the way, tiyak mayroong isang talunang politiko na hihingin at gagayahin ang advise ninyo Konsehal Paulate dahil nahaharap din siya sa sangkatutak na kaso ng ‘ghost employees.’

Turuan mo nga!

OPISYAL LANG NG PSC ANG ‘UMUNLAD’
HINDI ANG MGA ATLETANG PINOY

080516 PSC money

Tatlong bilyong pisong unliquidated funds ang hanggang ngayon ay hindi maipaliwanag ng Philippine Sports Commission (PSC) kung saan napunta.

Muntik nang maibaon sa eternal peace ang isyu kung hindi pa nagkaroon ng bagong Chairperson ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa katauhan ni Madam Andrea “Didi” Domingo.

Sa kabuuan ng P3 bilyon, limang porsiyento rito ay galing sa pondo ng PAGCOR. Pero kapag pinagsama ang pondo ng PAGCOR at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), aabot sa P1 bilyon.

Sa totoo lang, matagal na tayong nagtataka kung bakit ang laki-laki ng pondong ibinibigay sa PSC pero hindi naman umaangat ang kalidad ng pagsasanay sa ating mga atleta.

Kaya naman tuwing may laban, puro lakas-loob at lakas ng tiwala ang baon ng ating mga atleta at hindi lakas ng katawan.

Araw-araw ang daming kinukuha ni Lord.

Bakit kaya ‘yung mga mapagsamantalang PSC official na ginagamit ang ating mga atleta para magkamal ng salapi, hindi nauuna?!

Tsk tsk tsk…

Kunsabagay, ibang klaseng maningil si Lord.

By the way, dapat magpasalamat ang mga atleta kay Madam Didi dahil bukod tanging siya lang ang nagkalakas ng loob para kuwestiyonin ang bilyong pondo ng PSC.

Busisiin pa ninyo ‘yan, Madam Didi!

MAYOR ROLANDO ESPINOSA
DAPAT I-LIFESTYLE CHECK!

080316 bato espinosa

Huwag sanang tumigil ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagsudsod sa kayamanan ni Mayor Rolando Espinosa.

Positibong-positibo!

Ibang klase ang bahay, 5,000 square meters! Nagkikita pa kaya sila ng mga kapamilya at kasama niya sa laki ng bahay nila?

Kaya siguro ikinakatuwiran ni Espinosa na hindi niya alam ang ginagawa ng anak kasi nga sa sobrang laki ng kanilang bahay ‘e hindi nila nakikita ang ginagawa ng bawat isa.

Sonabagan!!!

Isa pa lang ‘yang LGU official na ibinuyangyang ng ating Pangulo.

Paano pa kaya ‘yung iba?

Hindi kaya nakokonsensiya ang pamilya Espinosa sa mga ginagawa nila?

Hindi bale nang mapariwara ang buhay ng mga nabibiktima basta ang importante, sandamakmak ang kuwarta nila?!

President Digong, alam ba ninyo kung ano ang magandang parusa sa mga ‘yan?

Pabaryahan ang sandamakmak na kuwarta nila at unti-unti silang tabunan hanggang tuluyang mabaon at malagutan ng hininga!

Mang-agaw na kayo ng baril!

Mga salot!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

 

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Umay ka na ba sa korupsiyon?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pagiging talamak ng korupsiyon sa mga pinapasok na …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Sumuko nga ba o naaresto si Kingdom of Jesus Christ (KOJC)?

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI ang nagugulohan sa totoong detalye ng pagpapasakamay ni Quiboloy sa …

Dragon Lady Amor Virata

Senator Cynthia Villar tatakbo para sa kongreso  magpinsang Aguilar maglalaban para sa mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NOONG nabubuhay pa ang yumaong Vergel “Nene” Aguilar, tahimik …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ano pa ang hinihintay ng DOH sa Mpox vaccine?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman daw kailangan ng social distancing para sa seguridad …

YANIG ni Bong Ramos

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *