Wednesday , November 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road traffic accident

2 patay, 3 sugatan sa truck vs tricycle sa Quezon

NAGA CITY – Patay ang dalawa katao habang sugatan ang tatlong iba pa sa nangyaring aksidente sa Atimonan, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Dean De Gracia, 39, at Eduardo Aguilar, habang sugatan sina Formetierra Galindo, 57; Edgar Deza, 27; at Charlie Erandio, 21.

Nabatid na habang binabaybay ng truck na minamaneho ng suspek na si Eric Maupan ang kahabaan ng Maharlika Highway sa nasabing lugar nang mabangga niya ang kasalubong na tricycle na minamaneho ni Gracia.

Sa lakas ng nangyaring banggaan, sugatan si Gracia na nagresulta sa agaran niyang pagkamatay.

Habang itinakbo sa ospital ang apat na sakay ng tricycle ngunit idineklarang dead-on-arrival si Aguilar.

Sa ngayon, sumasailalim sa medikasyon ang dalawa sa mga biktima na sina Galindo at Deza habang nakalabas na sa ospital si Erandio.

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa mabilis na pagkakadakip sa tumakas na suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Zaldy Co Goitia

Goitia sa mga Pahayag ni Zaldy Co: “Part 2 na, Wala Pa Ring Matibay na Ebidensya”

Ang ikalawang video ni Rep. Zaldy Co ay halatang idinisenyo upang makalikha muli ng ingay. …

FPJ Youth 4000 biktima bagyong Uwan

Sa kanilang 2-relief drive
FPJ Youth namahagi ng mainit na pagkain sa 4,000 biktima ng bagyong Uwan

NAGHATID ang FPJ Youth ng mainit na pagkain sa mahigit 4,000 indibiduwal sa walong probinsiya …

DOST DICT FMOGH

Cybersecurity Essentials Workshop for First Misamis Oriental General Hospital

#YourDICTRegionX continues to champion a cyber-secure Northern Mindanao! On October 16, 2025, the DICT Region …

DOST RIC Citronella

Citronella Convention Culminates with a Call for Collaboration and Action

LAL-LO, CAGAYAN — The 1st Regional Citronella Convention held in Lal-lo, Cagayan concluded on a …

Vince Dizon PBBM Zaldy Co Ping Lacson

Akusasyon ni Co vs PBBM imposible — Lacson, Dizon

TINAWAG na imposible nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Department of Public Works and Highways …