Tuesday , December 10 2024

Maaaring magbago

MARAMI ang nag-react sa huli kong kolum na nasabi ko na maaring magbago si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at ituwid ang mga kamalian ng kanyang mga magulang sa panahon ng martial law.

Ilan sa mga mambabasa natin ay nagsabi na naisulat ko raw ang kolum dahil hindi ako nakaranas ng panunupil ng diktadura ni Marcos. Ang dapat daw ay umamin si Bongbong sa kasalanan ng kanyang pamilya at humingi ng tawad sa sambayanan.

Nalungkot ako sa mga ganitong puna kasi malinaw para sa akin na ito ay isang uri ng pagsasara ng isipan. Una, ang malaking bahagi ng sambayanang Filipino ay nakaranas ng panunupil sa panahon ng diktadura at kasama tayo sa bahaging ito. Pero hindi ko isasara ang aking isipan para kilalanin ang isang lider na may potensiyal na magbago ng ating lipunan kahit na sino pa siya.

Usapin ito ng ikauunlad ng bayan at hindi ng personal kong damdamin o karanasan. Hindi dapat ikawing sa anak ang kasalanan ng ama o ina. May palagay akong ipokrito lamang ang magsasabing itatakwil nila ang kanilang mga magulang dahil sa mga kamalian na nagawa.

Isa pa, naniniwala ako na maaring natuto si Bongbong sa kamalian na nagawa ng kanyang mga magulang. Puwede naman kasi na magbago tungo sa kabutihan ang isang nilalang na tulad ni Bongbong bagamat hindi ko rin inaalis na maaaring hindi rin siya natuto.

Gayon pa man, bilang isang Kristiyano ay susugal ako sa paniniwala na nagbago siya patungo sa kabutihan. Muli, uulitin ko…hindi dapat ikawing sa anak ang kasalanan ng mga magulang dahil kung magkakagayon ay walang sino man ang may karapatang humawak ng renda ng kapangyarihan.

Lahat tayo ay biktima rin ng mga kamalian ng ating mga magulang o ng kani-kanilang mga magulang rin.

Ano ang palagay ninyo?

* * *

May payo sa mga mamboboto ang kasama nating si Abner Galino. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pa na mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyo na maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling. Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort? fref=ts para sa karagdagan na impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *