BUKOD sa naiwang trabaho na telemovie sa ABS-CBN na pagbibidahan nina Alex Gonzaga, JC De Vera at Matt Evans na nasimulan na ang taping, apat na malalaking projects pa sana ang nakatakdang idirek ng phenomenal box office director Wenn Deramas.
Kabilang riyan ang launching movie ni Alonzo Muhlach at MMFF entry ng Star Cinema at Viva Films ngayong 2016 na pagsasamahan nina Vice Ganda at Daniel Padilla. Naipangako na rin daw ni Direk Wenn kina Mother Lily Monteverde at AiAi Delas Alas na siya ang magdidirek ng movie ng kaibigang komedyana na pang Mother’s Day presentation sana ng Regal Films.
May matagal na ring nilulutong teleserye ang director sa Kapamilya network na pagbibidahan ni Claudine Barreto na magsisilbing comeback project sana ni Claudine sa Dos.
Matatandaang majority ng mga ginawang hit teleserye ni Clau sa network ay idinirek ni Deramas.
Sa pagkawala ni Direk Wenn, na ipinagluluksa ng buong industriya at mga kaibigan ng direktor sa Star Cinema, pinoproblema rin ng number one movie outfit kung sino ang puwede nilang ipalit sa kanya.
Well may ilang nag-suggest na tatlo sa puwedeng maging replacement ni Direk Wenn ay sina Bb. Joyce Bernal at mga house director ng Star Cinema na sina Cathy Garcia-Molina at Mae Cruz-Alviar.
Although mas expert ang mga nabanggit sa rom-com movies, sa husay nila ay carry rin nilang idirek si Vice Ganda na itinuturing na Reyna ng MMFF.
Walang imposible gyud!
Coco, Maja, Onyok at co-stars sa “FPJ’s Ang Probinsiyano”
SINALUBONG NG MILYON-MILYONG FANS SA PANAGBENGA FESTIVAL
Naki-fiesta at nagpadama ng taos-pusong pasasalamat ang cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” para sa tagumpay ng numero unong primetime series sa dalawang milyong turistang dumalo sa nakaraang Panagbenga Festival.
Umikot sina Coco Martin, Maja Salvador, Xymon Pineda, at Pepe Herrera sakay ng “Ang Probinsyano” float at nakisaya sa mga kapamilyang tagasubaybay ng aksyon-serye.
Inabangan din ng 30,000 fans ang performance ng mga bida ng serye sa Burnham Lake Drive. Bukod pa riyan, bumisita ang Idolo ng Masa sa mga Kapamilya ng Brgy. Irisan sa Baguio at namahagi ng ilang biyaya upang makatulong sa pamumuhay ng mga residente roon.
Samantala, sa pagpapatuloy ng umiinit na tagpo ng serye, nailigtas na ni Cardo (Coco Martin) ang buhay ni Trina (Anne Curtis) mula sa kamay ni Roberto (Nonie Buencamino). Ngunit dahil hindi pa nila alam ang motibo ng paghihiganti ni Roberto (Nonie Buencamino) sa amain ng fashion designer na si Michael (Christopher De Leon), minabuti na lamang muna ni Cardo na patuluyin sa kanilang tahanan si Trina upang masiguro ang kanyang kaligtasan.
Maging daan na kaya ito para sa kanilang pagkakamabutihan? Ano pa kayang kaganapan ang dapat paghandaan ni Cardo? Huwag palampasin ang mga maaksiyong tagpo sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN.
Para sa karagdagang imporma- syon kaugnay sa programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Tel- evision sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma