Nagawa na ng Letran ang trabaho nila para mapanalunan ang NCAA championship.
Hindi naman nagpahuli ang FEU sa pagsungkit ng korona ng UAAP kamakailan lang.
Pinatumba ng University of San Carlos ang karibal na University of Visayas Green Lancers para sa kampeonato sa CESAFI ngayong taon.
Pero kakayanin ba nila ang bagsik ng reigning National Champions na San Beda Red Lions?
Ang tatlong paaralang ito ang may pinakamatitinding koponan sa college basketball ngayong taon at susubukan nilang tanghalin bilang national champion ng National Collegiate Champion simula Miyerkules (December 9) sa ABS-CBN Sports + Action na tatakbo hanggang December 17.
Ang ibang mga eskwelahan naman ay masugid na rin sa paghahanda sa kani-kanilang laban sa torneo. Gustong-gustong makabawi ng San Beda at UST, ang mga talunang Finalist sa NCAA at UAAP, sa kanilang pagkatalo habang ang UV naman ay gustong patunayan na may ibubuga ang mga koponan sa Visayas.
Anim na koponan pa mula National U, JRU, Mapua, TIP, PATTS, at St. Claire, ang sinusubukang makapasok sa Elite Eight ng torneo bilang miyembro ng Luzon-Manila qualifier at sasamahan nila ang Visayas-Mindanao qualifier at ang mga kampeon at runner-up ng UAAP, CESAFI, at ang kampeon ng nakaraang torneo, ang San Beda.
Ang walong araw na torneo ay mag-eere ng dalawang laro kada araw na magsisimula sa Miyerkules (December9) hanggang December 17 sa ABS-CBN Sports +. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa sports.abs-cbn.com at sundan ang ABS-CBN Sports + Action sa Facebook.