LIMANG kanta na lang ang nahabol namin sa concert ni Sarah Geronimo na From The Top dahil sa pesteng traffic mula Alabang hanggang Cubao. Hindi na rin kinaya ng powers namin na dumaan sa programa ng QC LGBT Pride March 2015 sa Tomas, Morato. Hindi na talaga nakatutuwa ang trapiko sa EDSA at nakakasagabal sa ekonomiya. He!he!he!
Nahabol pa namin ang guesting ni Sarah na si Piolo Pascual na talaga namang nakakabingi ang tilian sa Araneta.
Nagbiro pa si Sarah na natuyot ang throat niya dahil sa kaguwapuhan ni Papa P.
Kahit pangalawang gabi na ng concert ni Sarah ay puno pa rin.
Sumuporta at nanood naman sina Vice Ganda, Gary Valenciano, atJason Dy.
Maraming pinasalamatan at pangalang binanggit si Sarah pero hindi namin narinig ang pangalan ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli. Kahit isinisigaw ng audience ang name ni Matteo ay deadma ang Pop Princess. Talagang pinaninindigan nila na ihiwalay ang personal sa trabaho.
Puring-puri namin ang stage ng concert ni Sarah na lalong gumaganda ‘pag iniilawan ni Direk Paolo Valenciano. Ang galing sa ilaw. Bongga. Havey!
Pumalakpak talaga kami noong kantahin ni Sarah ang winning piece niya sa Star For A Night na To Love You More ni Celine Dion. May choreo talaga ang ilaw ng stage habang kinakanta niya ito.
Naramdaman din namin ang Kapaskuhan sa kanyang Christmas song na siya mismo ang tumugtog sa organ
Hindi namin buong napanood ang From The Top pero may isang katoto na nag-react na na-bored siya dahil karamihan sa kinanta ni Sarah ay hindi siya pamilyar. ‘Yung mga kanta kasi ni Sarah na hindi sumikat ang pinagkakanta niya.
Hindi naman kami makapag-react dahil sa limang songs na inabot namin ay nag-enjoy kami lalo ‘t nandiyan ang back-up niyang Power Dance at G Force.
‘Yun lamang!
TALBOG – Roldan Castro