Friday , January 27 2023

Clique V at Belladonas walang talo-talo

NABIBIGYAN ng kulay ang samahan  ng  Belladonnas sa all-male group na Clique V dahil pareho silang hawak  ng 3:16 Events & Talent Management na  ang Presidente ay  si  Len Carillo.

Malapit sila sa isa’t isa pero  bawal na magligawan. Mahigpit na regulasyon na magkakapatid lang ang dapat na turingan.

Masunurin naman ang mga bagets dahil ayaw din nilang masita at maparusahan ng kanilang manager. Hindi rin nila pinangarap na matsugi sa grupo kaya walang talo-talo sa kanila. Career muna ang dapat atupagin.

Samantala, ang laki ng improvement ng Clique V nang makita naming mag-perform sa birthday party ng mga anak ng Lord of Scents na si Joel Cruz sa Tagaytay. Class silang mag-perform at hindi putso-putso. Puwedeng-puwede na talagang pakawalan  ang nine members na kinabibilangan nina Sean, Marco,   Rocky, Karl,  Clay,  Timmy Blaize, Kaizer, at Josh.

Ang Belladonas naman  ay binubuo nina Quinn,  Chloe, Rie, Xie, Jazzy, Stiff, at Phoebe . Kamakailan ay nagbakasyon sila sa Vietnam na nagpasabog sila ng kaseksihan sa yate habang nasa Ha Long Bay.

Havey ang kanilang  music video para sa kantang Enjoy and Ride na isinulat ni Blanktape. May aabangan ding bagong  music video  na kinunan sa  Clark, Pampanga na idinirehe naman ni Buboy Tan.

Nagsu-shooting na rin ngayon  ang Belladonnas at  Clique V ng isang advocacy film na idinirehe rin ni Tan.

(RFC)

About Roldan Castro

Check Also

Dianne Medina Rodjun Cruz Baby

Dianne wish ng isa pang anak

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYA si Dianne Medina sa estado niya ngayon bilang isa sa news reporter …

Lito lapid Jessie Chua Mark Lapid

Sen Lito kay Jessie Chua — Ginawa niya akong tao mula sa ordinaryong stuntman

I-FLEXni Jun Nardo MALAKI ang nagawang tulong ng movie producer na si Jessie Chua para magkaroon ang …

Sharon Cuneta

Sharon tinawanan memes ng makinis na paa, kamay  

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKIT ang tiyan sa katatawa ni Sharon Cuneta nang may nag-forward sa kanya ng …

Blind Item, Mystery Man in Bed

Showbiz gay nai-video paglaspag kay bagets 

ni Ed de Leon NAKAHALATA na si showbiz gay na talagang pineperahan lang siya ng bagets, kaya inalok …

Toni Gonzaga Alex Gonzaga

Alex bugbog na bugbog sa bashing (matindi pa kay Toni)

HATAWANni Ed de Leon IYONG ginagawang pamba-bash kay Toni Gonzaga, masasabi mo ngang siguro politically motivated. …

Leave a Reply