Friday , December 13 2024

Feng Shui: Home Renovations

00 fengshuiMAKARAANG magpakunsulta sa Feng Shui, maaaring ikonsidera mo ang home renovations upang maisaayos ang alignment ng inyong bahay o apartment sa iyong mga layunin sa buhay.

Ngunit hindi dapat maging magastos ang Feng Shui. Kung nais mong magbago ang kondisyon ng iyong buhay ngunit nais mo ring makatipid, narito ang money-saving secrets na iyong magagamit upang maging magaan sa iyong budget at matamo ang pinapangarap mong tahanan.

*Iwasan ang structural changes. Bihirang ang isang bahay ay mayroong talagang bad Feng Shui na kailangang lumipat o magtanggal ng dingding o magdagdag ng pundasyon para ito maisaayos. Kung kung nais mo ng more living space, ikonsidera ang “paghiram” nito mula sa katabing kwarto na hindi naman ginagamit o maliit na lugar lamang ang inuukupahan. Maaari ka ring magbuo ng closets, bookshelves at iba pang storage space sa matitirang espasyo nito. Kung nais mo naman ng open environment para sa pagdaloy ng chi at nais wasakin ang dingding, ikonsidera ang half-wall o maglagay ng bintana, upang manatili ang structural beams sa lugar.

*Panatilihin ang stock colors. Sa pagpili ng appliances para sa kusina o sa banyo, pumili ng stock colors katulad ng puti o almond kaysa customs shades o less common colors na maaaring mas mataas ang presyo. Ang neutral colors ay kadalasang mas mura at good Feng Shui, dahil ang white kitchen ay naglalarawan ng kalinisan at pagkadalisay at magdudulot ng swerte sa tahanan. Ang bright white bathroom na may dingding na may serene pastel colors ay maaari kang mapasigla sa umaga at matutulungan ka rin sa pagpapahinga sa gabi.

*Gamitin uli ang pwede pang gamitin. Minsan, kailangan lamang ng maliliit na pagbabago sa kwarto. Sa pagsasagawa ng renovation at re-decorate, pagtuunan ng pansin kung paano makatitipid, at muling gamitin ang maaari pang magamit.

*Isipin ang kalikasan. Maaaring magbayad ka ng mahal sa environment friendly appliances, ngunit malaki naman ang maitutulong nito sa kalikasan. Ikonsidera rin kung paano magagamit ang natural light sa kwarto upang mapababa ang electrict bills.

*Magbayad para sa kalidad, huwag sa custom design. Huwag mangamba sa pagbabayad nang medyo mahal na appliances, carpeting o wall design na matagal mo namang magagamit – maliban na lamang kung ikaw ay madaling magsawa at palaging nais na magpalit ng mga gamit. Kung ikaw ay nagtitipid, huwag sayangin ang pera sa customs features.

ni Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …

Gusi Peace Prize

Gusi Peace Prize 2024: Honoring Global Changemakers Across Diverse Fields

THE Gusi Peace Prize, often regarded as the “Asian Nobel Peace Prize,” celebrated its 37th …

QC Wellness Center opened to support educators well-being

QC Wellness Center opened to support educators’ well-being

The SM Foundation, in partnership with the Quezon City Schools Division Office, inaugurated the Schools …

SM BDO Feat

Alagang Kabayan: How BDO and SM transform the lives of Overseas Filipino families through the years

For millions of Overseas Filipinos (OFs), the holidays often mean sacrificing precious moments with loved …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *