Friday , September 29 2023

Bigo sila Digong… o bigo sila!

00 Bulabugin jerry yap jsyHANGGANG ngayon daw ay hindi pa rin maka-move on ang mga nabigong patakbuhin sa pagka-presidente si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Luhaan pa rin sila hanggang ngayon. At feeling nila ay pinaglaruan lang sila ni Digong.

Katunayan, patuloy ang pagkalat ng black propaganda laban sa magiting na alkalde.

Pero gaya nang dati, malinaw ang pahayag ni Digong.

Maaga pa lang ay sinabi na niyang wala siyang intensiyon na makipagkarerahan sa presidential race.

At isa tayo sa naniniwala diyan dahil kabilang tayo sa mahigpit na sumusubaybay sa mga pahayag ni Digong.

Noong magsalita siya sa isang panayam ng mga taga-telebisyon na ang unang nag-post sa social media ay ABS-CBN, nakita na natin ang sinseridad niya.

‘Yun ang totoong desisyon niya.

Kaya kahit ang daming posting sa social media na maghahain daw si Duterte sa last day of filing ng certificate of candidacy (COC) ay hindi na natin pinaniwalaan.

Hindi nalilimutan ng inyong lingkod na si Digong ay isang tunay na lalaki, sa isip, sa salita at sa gawa.

‘Yun nga lang, hindi ang mga kagaya niya ang nagwawaging Pangulo dito sa ating bansa. Bigla tuloy tayong naawa doon sa kung sino mang nagpakalat ng tarpaulin na Duterte-Cayetano (as in Te-Tano?)

Sabi nga ni Digong, “Yung isa baka ma-disqualify, ‘yung isa baka makulong, ‘yung isa baka-baka lang!”

Ang galing mo talaga Digong!

E baka kung makisali ka pa riyan, baka ikaw ‘yung maikategorya doon sa, “…baka-baka lang!” Wahahahahaha!

E pansinin n’yo naman kung sino ang mga kumausap kay Digong para tumakbo siyang presidente, puro malalaking negosyante na mayroong malalaking interes sa iba’t ibang industriya sa bansa.

Malalaking negosyante na gustong maging “KINGMAKER” pero ‘yung mga batayang pangangailangan ng mga manggagawa at empleyado nila ay hindi man lang maitaas ng pamantayan.

Tapos gustong mambola ng gagawin nilang Presidente?!

At si Digong pa, ang napili ninyo…

Kakapalsky naman!

O ‘yan ‘e di nakahanap kayo ng katapat?!

Hay naku, kung alam mo lang Digong kung ano ang nasa likod niyan, at kung ano ang nasa isip ng mga nag-aalok sa iyo…

Kaya dapat magsaya ang sambayanan, dahil bigo sila Digong, o bigo sila!

Mandarambong na robot

Si ERAP mandarambung Estrada animo’y isang robot kung magsalita utal na parang robot at kapag naglakad na tabingi na robot kaya mga robotics na isipan na lang talaga ang patuloy na  magtataguyod sa ganyang uring robot na adik sa kawalanghiyaan tulad din ni tabo hatsing na wala rin kasawaan pagdating sa paggawa ng mga kawalanghiyaan salamat. #+63919665 – – – –

Bayan naging aba dahil sa walang kuwentang mga lider

SIKSIKAN at nag-uumapaw talaga itong lipunan natin sa mga wlang kwentang lider kaya nga naging miserable itong bayan nating hinati at patuloy na winawasak bunga ng kapabayaan at kawalan ng tunay na pagmamalasakit tumulong na tayo taong bayan sa tamang pag-iisip at tamang katuwiran at tumino na tayo sa tamang pagpili ng mga magiging lider muli rito sa hinabag na bayan natin #tunay na pagbabago mabuhay ka! #+63919665 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

 ‘Wag n’yong ‘paikutin’ si Digong

SIPATni Mat Vicencio SILIP NA SILIP ang diskarte ng mga tusong politikong gustong gamitin at …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Tsokolateng dollar bills

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NA-HULICAM sa umano’y paglunok ng dollar bills na nagmula …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-utol na meyor may dementia o amnesia?

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata BILIB na sana ako sa kasipagan ng magkapatid na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *