Friday , September 22 2023

Valdez: Talo talaga kami sa NU

100615 Alyssa Valdez NU Bulldogs shakeys vleague
INAMIN ng pambato ng Ateneo de Manila women’s volleyball team na si Alyssa Valdez na karapat-dapat na manalo ang National University sa Game 3 ng finals ng Shakey’s V League Season 12 Collegiate Conference noong Linggo sa San Juan Arena.

Kahit nagtala ang Lady Eagles ng sampung sunod na panalo mula sa eliminations hanggang sa quarterfinals ay natalo pa rin sila kontra Lady Bulldogs, 25-21, 26-24, 25-19.

Natalo rin ang Ateneo sa Game 2 ng semis ng torneo kontra University of Santo Tomas.

“This is really an early wake up call sana for the team, na anything can happen. Anything can happen in just a snap of the fingers,” wika ni Valdez. “Congratulations to NU. I think they really gave us a good fight today. They played super perfect volleyball in today’s game.”

Idinagdag ni Valdez na ang sobrang daming pagkakamali ng Lady Eagles ang naging malaking dahilan ng kanilang pagkatalo.

”We are really lacking a lot of things. I think blocking, service, defense pa, offense lahat. Basically, sabi nga a little bit of everything wala kami,” ani Valdez.

Idinagdag ni Valdez na malaking leksyon ito para sa Ateneo na sisikaping idepensa ang titulo sa UAAP women’s volleyball na magsisimula sa Pebrero ng susunod na taon.

Samantala, balik-aksyon ang Shakey’s V League simula sa Sabado, Oktubre 10, sa pagsisimula ng third conference kung saan kasali rito ang mga commercial teams tulad ng Cagayan Valley, PLDT, Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Coast Guard.

Magkakaroon ng tig-isang import ang mga koponan.

Sasabay ang V League sa Philippine Super Liga Grand Prix na magsisimula rin sa Sabado sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna.  (James Ty III)

About James Ty III

Check Also

Emi Cup Pro-Am golf

Emi Cup Pro-Am golf papalo sa Sept. 21-22

KABUUANG 285 golfers, kabilang ang mahigit 100 professional golfers mula sa Professional Golfers Association of …

Daniel Fernando Singkaban Football Festival Bulacan

Ika-2 Singkaban Football Festival humataw sa Bulacan

SA ikalawang pagkakataon, muling nagsaya sa paglalaro ang mga Bulakenyong manlalaro ng football na may edad na …

Jose Efren Bagamasbad Martin Binky Gaticales Angelo Abundo Young Henry Roger Lopez

Int’l Master Angelo Abundo Young naghari sa Grandparents Day Celebration Open Rapid Chess Tournament

Final Standings and tournament payouts: (7 Round Swiss System, 15 minutes plus 5 seconds increment …

FEU chess team

Tamaraw woodpushers nagningning sa 16th Mid Valley City Malaysia Chess Challenge 2023

MAYNILA — Pinatunayan ng mga mag-aaral ng Far Eastern University (FEU) Chess Team ang kanilang …

JRMSU cadets ROTC Games

JRMSU cadets humakot ng ginto sa ROTC Games

Zambonga City – Ipinakita ng Philippine Army cadets mula sa Jose Rizal Memorial State University …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *