Wednesday , December 11 2024

Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV nanatiling pinakaproduktibong mambabatas

00 Bulabugin jerry yap jsySA madaling salita, kung pagiging maagap at masipag lang ang pag-uusapan, wala pa rin dadaig sa hinahangaan nating si Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV.

His track records speak for itself.

Nanatiling siya ang nangungunang mambabatas sa Senado, base sa dami ng mga panukalang ini-sponsor at naisabatas na.

Sa nakaraan at kasalukuyang Kongreso, siya ang may pinakamaraming pambansang panukala na naisabatas.

Noong 15th Congress (2010-2013), siya ay nakapagbigay-daan sa pagpapasa ng 17 batas; habang ngayong 16th Congress (2013-kasalukuyan), siya ang pangunahing may-akda ng apat (4) na batas.

Nariyan pa ang 10 panukalang naipasa na sa ikatlong pagbasa (3rd Reading).

Ilan sa mahahalagang batas na akda ni Trillanes ang AFP Modernization Law; Pagtaas ng Subsistence Allowance ng mga Uniformed Personnel; Salary Standardization Law 3; Pagtaas ng Burial Assistance ng mga Veterans; Archipelagic Baselines Law; Universal Healthcare Law; Aga-rang pagbibigay ng benepisyo ng mga retiradong kawani ng gobyerno; PAG-IBIG Fund Law; Magna Carta para sa mga PWD; mas pinalawak na Senior Citizens Act; at Anti-Bullying Act.

Matatawaran pa ba ang aktibong pakikilahok ng magiting na Senador sa mga imbestigasyon na may kinalaman sa mga korupsiyon at iba pang anomalya sa gobyerno?!

Hindi alintana ng Senador ang mga basher sa social media na maging ang personal na buhay niya ay sinisiraan, maipahiya lamang siya sa madla.

Simula ng kanyang panunungkulan, si Trillanes ay may naihain nang 1,077 panukalang batas na naihain, at 52 rito ay naisabatas na.

Maitanong lang natin, mayroong bang ganyang track record si Senator Chiz Escudero sa tagal niya diyan sa Senado?

Ang malaking accomplishment lang yata ni Chiz ay ang pagpapakasal niya kay Ms. Heart Evangelista, hindi ba?

Huwag na nating tanungin si Madam Senator Grace Poe, dahil ‘ika nga ‘e basal na basal pa siya sa Senado…

Sabi nga ng matatanda, huwag magpabulag sa tunog ng pangalan, suriin ang kakayahan at kung paano ito ipinakita sa gawa.

‘Yan ang dapat na ipinamumukha sa mga ambisyoso!

Boracay BI-ACO may attitude problem!?

Sandamakmak pa rin na reklamo galing sa mga turistang banyaga ang ating natanggap tungkol sa klase ng treatment na kanilang nararanasan tuwing sila ay nagpo-process ng kanilang visa extension at iba pang mga transaksyones diyan sa Bureau of Immigration -Boracay Station.

Mukhang kailangan daw yata ng seminar sa Good Manners and Right Conduct or GMRC ng tumatayong BI-Alien Control Officier (ACO) doon na si IO Thelma D’ Tigre ‘este’ Adre pala!

Napakaraming foreigners raw ang naka-experience ng maltreatment mula sa nasabing ACO.

Kapag mainit ang ulo, kadalasang nagbubunganga at nagbababagsak kahit sa harap ng mga kliyente nilang foreigners.

Aba, masamang klase ng public service ‘yan ha?!

Akala ko ba may BI-Cares program ang bureau!?

Baka tuluyang mabawasan ang bilang ng mga turista diyan sa Boracay?

Since alam naman ng lahat na malaking income para sa ating tourism industry ang pagdagsa ng foreigners sa ating bansa partikular sa isla ng Boracay, at kung makikita nga naman nila na asal tigre ang sasalubong sa kanila tuwing sila ay magpo-process ng kanilang visa, kahit sino ay mawawalan ng gana kung ganoon ang klase ng hospitality na kanilang matatanggap.

Minsan pa nga raw ay may nakasaksi na inihahagis ni Mrs. Tigre ‘este’ Adre sa ibabaw ng mesa ang mga passport na akala mo’y nagdidispatsa ng diyaryo.

Ginagawa niya ito, mismong sa harap ng mga natutulalang banyaga.

Walastik!!!

Dios mio, may tandem na pala sa kasungitan at pagka-taklesa si BI-Kalibo Airport Head Supervisor, Hilot ‘este’ Lilot Acuña?!

What the fact!?

Hindi kaya naho-home sex ‘este’ home sick ang mga bisor na ‘yan kaya ganyan na lang sila makaasta?

Hindi ba’t siya rin ‘yung napabalitang nagtatatalak sa tarmac ng Kalibo Airport matapos tanggihan ng crew ng Air Asia na i-hand-carry ang dala-dala niyang desk top computer?

Muntik pa nga raw siyang i-offload kung hindi pa naawat ng kasama niya sa kangangawa. 

No wonder, kaya naman pala nilayasan dati ng kanyang mga staff si Madam Swangit ‘este’ Thelma dahil talagang nakasusulasok ang kanyang pag-uugali?

Mayor John Yap of Boracay, papayag ba kayo na mawalan ng turista sa lugar ninyo dahil lang sa ganyang asal ng isang ACO?

Bakit hindi ninyo i-request kay PNoy na i-shoot na ‘yan sa banga, agad-agad,  bago pa mawalan  ng mga turista diyan sa inyong ba-yang minamahal?

Kung hindi bukas-kotse agaw-kotse o motorsiklo

TAMA po kayo Sir Jerry. Talamak ang nakawan, carnapping, bukas-kotse at salisi sa Bulacan. Sa parking po ng Robinson’s Pulilan hindi lamang isa o dalawa ang nabibiktima ng mga kawatan. Pumarada lang pong saglit d’yan pati side mirror ng kotse nadadale. Hindi po maintindihan kung kaya bang magpatupad ng peace & order ni  Supt. Leon Victor Rosete, ang chief of police (COP) ng Pulilan (Bulacan)  o baka naman mayroon silang mga ‘alaga’ diyan. Marami rin pong nabibiktimang mga senior citizen diyan. ‘Yung iba nga nadudukutan ng mga pambili ng gamot nila. Pagdating sa Mercury, wala na ‘yung pambili nila. Pakibulabog po nang husto ang Pulilan police. Salamat po. Pakitago lang po ang numero ko. — Concerned Citizen of Pulilan

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *