Thursday , September 12 2024

Ravena payag maglaro sa Gilas

041015 Kiefer ravena
PAYAG ang superstar ng Ateneo de Manila sa UAAP na si Kiefer Ravena na muling magsuot ng uniporme ng Gilas Pilipinas.

Isa si Ravena sa mga amatyur na manlalaro na kinukunsidera ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na maging bahagi ng Gilas bilang pagbabalik sa dating sistema noong 2011.

Noong taong iyon ay kinuha ng SBP ang mga pangunahing amatyur tulad nina Chris Tiu, Mark Barroca, Jayvee Casio, Dylan Ababou at Mac Baracael kasama si Marcus Douthit para sa Gilas na dating hinawakan ni Rajko Toroman.

Ngunit noong 2013 ay ibinalik ang pick-up na sistema ng SBP kung saan nakatulong ang Philippine Basketball Association sa pagpapahiram ng mga manlalaro.

Ngayon ay tila nahihirapan ang SBP sa pakikipag-usap sa PBA tungkol sa pagpapahiram muli ng mga manlalaro ng mga koponan ng liga, lalo na mula sa San Miguel Corporation, para sa Gilas.

Bukod kina Ravena, kasama sa listahan ng SBP para sa bagong Gilas ay sina Bobby Ray Parks, Jr., Mac Belo, Troy Rosario at ang Fil-Am ng Los Angeles Lakers na si Jordan Clarkson.

“I’m honored to be part of that shortlist (ng SBP). It has always been a dream of mine to represent the country,” wika ni Ravena sa paglulunsad niya bilang isa sa mga UAAP Ambassadors ng Smart Sports noong Miyerkules. “Just being part of that pool is an honor for me and I’m willing to prove my worth and fight for a slot in the national team. I want to tell everyone that I’m capable of competing with the big guys. As long as it’s for the good of the program, I’m in favor of it at nandoon pa ang suporta ng grupo ni MVP (Manny V. Pangilinan). I hope it works out.”

Iginiit ni Ravena na may oras siya para sa national team ngayong ito ang huling taon niya sa paglalaro sa Blue Eagles, bukod sa kanyang pagpayag na muli niyang makasama si Gilas coach Tab Baldwin.

Nakasama na ni Ravena si Baldwin sa Sinag Pilipinas na nakuha ang gintong medalya sa Southeast Asian Games noong Hunyo sa Singapore.

Bukod pa rito ay bahagi rin si Ravena sa Sinag na nagkaginto noong 2011 at 2013 SEA Games.

Sa ngayon ay pinaghahandaan ni Ravena ang kampanya ng Ateneo sa bagong UAAP season na magsisimula bukas.

Lalong lumakas ang Blue Eagles dahil sa pagpasok ng mga rookies tulad nina Hubert Cani, Jerie Pingoy, ang kambal na Matt at Mike Nieto at ang anak ni dating Eagles coach Norman Black na si Aaron.

“Very positive ang outlook namin sa Ateneo. Rookie-laden ang roster namin. Last year we were half a step away but hopefully, we’ve learned our lessons from our loss to NU last year,” ani Ravena. “Gusto ko maging champion ang Ateneo before I leave. I just want to leave something behind for the young players.”

Bukod kay Ravena, kasama sa mga UAAP Smart Ambassadors sina Von Pessumal ng Ateneo, Prince Rivero ng La Salle, Mac Belo ng Far Eastern University, Kevin Ferrer ng University of Santo Tomas, Jett Manuel ng University of the Philippines, Dawn Ochea ng Adamson, Paul Varilla ng University of the East at Gelo Alolino ng National University.

(James Ty III)

About James Ty III

Check Also

EJ Obiena Milo A Homecoming

A Homecoming Ceremony

Ang Milo Philippines ay nagsagawa ngayon ng isang homecoming ceremony para kay rank World No. …

Alas Pilipinas Women japan

Alas Pilipinas Women binigyan ng kaba ang siyam na beses na kampeon ng liga sa Japan

IPINAKITA ng Alas Pilipinas Women ang makabuluhang pag-unlad sa maikling panahon, binigyan ang siyam na …

Marlon Bernardino Laos International Chess Open Championship

Filipino & US Chess Master
Bernardino nagkamit ng Ginto sa 3rd Laos International Chess Open Championship 2024

Vientiane, Laos — Muling nagwagi ang 47-anyos na si Filipino at United States Chess Master …

Carlos Yulo ArenaPlus

Sa makasaysayang tagumpay sa 2024 Paris Olympics
DigiPlus, ArenaPlus pinarangalan si Yulo, niregalohan ng P5-M cash

TINANGGAP ni double Olympic gold medalist and ArenaPlus brand ambassador Carlos Yulo — nasa gitna …

Roll ball angkop para sa mga atletang Pilipino

Roll ball angkop para sa mga atletang Pilipino

Isang bagong sport na tinatawag na roll ball – isang kumbinasyon ng skating at basketball …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *