Friday , December 1 2023

Q’finals ng Shakey’s V League ikinakasa na

070615 shakeys v league
MAGSISIMULA na sa Sabado, Agosto 15, ang single-round quarterfinals ng Shakey’s V League Season 12 Collegiate Conference sa The Arena sa San Juan.

Nanguna ang back-to-back UAAP champion Ateneo sa mga koponang pumasok sa quarters pagkatapos na walisin nito ang lahat ng mga kalaban sa Group B na may limang sunod na panalo.

Kasali rin sa quarters ang University of Santo Tomas, Arellano University, Far Eastern University, National University, University of the Philippines, College of St. Benilde at La Salle-Dasmarinas.

Tinapos ng Tigresses, Lady Chiefs, Lady Bulldogs at Lady Tamaraws ang elims na parehong may apat na panalo at isang talo habang naiposte ng Lady Maroons ng 3-2 na  kartada.

Nakuha ng Lady Patriots ang huling silya sa quarters pagkatapos na talunin nila ang Lady Blazers, 25-19, 25-21, 15-25, 18-25, 16-14, sa huling laro ng elims noong Linggo ng gabi.

“I just told the girls, just enjoy the game pero kailangang gumawa kami ng tama,” wika ng head coach ng La Salle Dasma na si Raymond Ramirez.

Parehong tabla ang DLSU-D at Benilde sa kanilang 2-3 na panalo-talo.

Maagang nagbakasyon ang San Sebastian College, Technological Institute of the Philippines, University of Batangas at Polytechnic University of the Philippines.

Sa Sabado ay maglalaban ang La Salle Dasmarinas at NU sa alas-12:45 ng tanghali at UP kalaban ang Ateneo sa alas-tres habang sa Linggo ay maghaharap ang FEU at St. Benilde sa alas-12:45 ng tanghali at UST kontra Arellano sa alas-tres.

Ang Shakey’s V League Season 12 ay handog ng PLDT Home Ultera at napapanood ang mga laro nang live sa GMA News TV 11.

(James Ty III)

About James Ty III

Check Also

Pickleball, laro para sa Pinoy

Pickleball, laro para sa Pinoy

UMAASA ang liderato ng Philippine Pickleball Federation na tulad ng kaganapan sa ibang bansa, mabilis …

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

MAGTITIPON ang mga elite na manlalaro sa buong mundo sa loob ng limang araw sa …

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

DINOMINA ng Siargao Dragons ang apat sa pitong events na nakataya at inangkin ang overall …

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

PUERTO PRINCESA — Muling bibigyan ng pagpapahalaga ang mayamang pamana ng kultura ng mga Filipino …

Pagpailaw ng taunang higanteng Belen display

Pagpailaw ng taunang higanteng Belen display

ISINASABUHAY ng Araneta City ang tradisyon nitong Yuletide sa pagpapailaw ngayong taon ng taunang higanteng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *