Friday , December 1 2023

Ayong Maliksi inumpisahan nang kalkalin ang STL cum jueteng operations

00 rex target logoUMAKSIYON na si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Ayong Maliksi  makaraang hilingin ang tulong ng NBI upang  hulihin ang ilegal na operasyon ng jueteng at iba pang larong loterya na nagkakanlong sa ilalim ng legal na STL.

Ang pagkilos ni Maliksi ay bunga ng nadiskubre niyang malaking ‘discrepancies’ sa inaasahang revenues ng PCSO na dapat sana’y nare-remit ng STL operators.

Nadiskubre ng chairman ng PCSO na umaabot lamang sa P4.7 bilyon lamang ang entregang kita ng 17 STL operators noong nakaraang taon (2014) kakarampot sa inaasahang P103B  income.

Kaduda-duda ito dahil sa halos lahat ng sulok ng bansa ay may operasyon ng STL at mga loterya na saklaw ng PCSO.

Lubhang maliit umano ang kinita ng PCSO dahil sa pagmamaniobra ng operators na imbes isulong ang STL ay jueteng at ilang ilegal na sugal ang inilalako.

“Isa itong malaking pandarayang dapat itama at ilagay sa ayos,” pahayag ni Maliksi.

Itinalaga ni Pangulong Aquino si Maliksi, dating gobernador ng Cavite sa PCSO makaraang mag-resign ang dating chairperson na si Margarita Juico.

Pinuri at sinang-ayunan ng maraming sector ang appointment ni Maliksi sa nasabing posisyon dahil na rin sa integridad nito at katapatan sa mga hinawakang tungkulin.

Inaasahan nating wawalisin nang tuluyan ni Maliksi ang operasyon ng jueteng sa buong Luzon kung saan nakontrol ng mga kilalang gambling lords ang halos 90% ng mga prangkisa ng STL.

Hindi ito madaling hakbangin ngunit batid nating pagtutuunan ito ng malaking panahon ni Boss Ayong.

Tiyak na sasalpok sa mga higanteng personalidad sa likod ng illegal gambling operations itong si Maliksi ngunit alam ng mamang taga-Cavite na bahagi ito ng malaking responsibilidad niya bilang pinuno ng PCSO.

Ilan sa malalaking pangalan na umano’y nagtataglay ng prangkisa ng STL ay si BONG PINEDA, RAMON FREZA, alyas 12 (Dose) at isang kilala bilang double Ey.

Sa susunod, ilaladlad natin ang iba pang STL cum jueteng operators sa buong Luzon at masiao sa Kabisayaan.

Abangan!  

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About Rex Cayanong

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Aral-aral din pag may time, Sen. Risa!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata TOTOO nga ang kasabihang “birds of the same feather …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors sa Blumentrit, nag-iiyakan sa tara

YANIGni Bong Ramos NAG-IIYAKAN umano ang mga vendor sa buong palengke ng Blumentritt dahil ‘tara’ …

Sipat Mat Vicencio

Makabayan bloc ‘nabudol’ ni Tambaloslos

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang Makabayan bloc kung inaakalang ang kanilang ginawang pangangalampag sa Kongreso …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

LTO, kailangan ang PNP vs colorum PUVs

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DAPAT papurihan si Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor …

Dragon Lady Amor Virata

 ‘Olats’ sa BSKE ‘di pabor kay mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIRAP manalo sa eleksiyon kung hindi ka sa panig …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *