Thursday , April 18 2024

Ayong Maliksi ng PCSO naatasan nga bang mangalap ng pondo para sa LP?

00 rex target logoANG appointment nga ba ng Malacañang sa politikong mula sa lalawigan ng Cavite ay naglalayong ilagay siya  sa nasabing ahensiya to run after bigtime illegal gambling operators?

May special instructions nga ba si Maliksi mula sa isang VIP ng Palasyo para mangalap ng pondo para sa mga kandidato ng Liberal Party (LP)?

Ang masaklap, hindi ngayon malaman ni Maliksi kung kaninong presidential bet ng Malacañang napupunta ang malaking bulto ng ‘payola’ este pondo pala para sa kandidatura.

Hindi na kasi lihim sa lahat na ang Partido Liberal ay hati sa dalawang paksyon at kulang na lamang sabihin na any moment ay puwedeng sumambulat at magkawatak-watak.

Suportado ni Senate President Franklin Drilon ang presidential bid ni LP standard bearer Mar Roxas, ngunit  si Grace Poe naman ang sinusuportahan nina House Speaker Sonny Belmonte at Executive Secretary  Paquito ‘Jojo’ Ochoa.

Kaya naman tila hilong-talilong ang gambling lords na nasagasaan ng ‘Oplan Pakilala’ ni Maliksi at ng PCSO. Baka kasi maiwan sila sa ere sa ‘paikutang’ nagaganap.

Si  Maliksi  ay kilalang malapit na kaibigan ni  PNoy pero hindi masasabing loyal sa Liberal Party (LP).

Hindi malaman ng mga kagaya ni Mr. Bong Pineda kung saan siya nakatuntong sa ngayon sa ilalim ng administrasyong  Aquino.

Ang nasisiguro lamang niya, ang karnal niyang kalaban sa negosyo na siCharlie Ang alyas  Double A ay super bagyo at mistulang ‘untouchable’ ‘di man direkta kay Pangulong Aquino ay sa matitikas na alipores nito.

Gaya ng ating mga tinalakay, ang pagkuwestiyon ni Maliksi sa ipinapasok na revenues ng Small Town Lottery (STL) operators  sa kaban ng PCSO ay indikasyong nais ng mamang si  Maliksi  na bulabugin pansamantala ang operasyon ng STL cum jueteng na matagal na rin modus operandi ng mga hinayupak na gambling operators.

Pati tuloy ang ‘intelihensiya (payola) ng mga lokal na politiko ay naapektohan na rin lalo na nga’t kailangang-kailangan ng pondong magmumula sa donasyon ng jueteng lords.

Totoo nga bang may verbal instructions si PNoy kay Maliksi  na suportahan in whatever capacity ang Liberal Party (LP)?

Short of saying na ipangolekta mo nang milyon-milyong pondo ang mga kandidato ng LP sa gambling operators.

Sino-sino nga ba ang bigtime gambling operators ng bansa partikular na rito sa Luzon?

Of course aside from Bong Pineda na laging sinasabi na nasa legit business na siya, ang pamosong ‘best friend’ ni dating Pangulong  Erap Estrada na si Double A.

Andiyan pa rin ang sikat at bigtime na si ‘BOGART’ Atayde. The likes ofOTTO BALBOA, RENE REYES, CHARING MAGBUHOS, LUDING REYES ng Baguio City, Allan Francisco at Gil Tepang  ng Quezon City, Viceo ng Maynila, EDDIE ‘KABAYO’ GONZALES, CEZAR REYES, DANTE ALVAREZ,DON RAMON FREZA, BHER NABARRO, TATA PAKNOY PRESNEDI at RENE ‘IMPALA’ IMPERIAL, at marami pang iba na pamilyar  ang mga pangalan at kakiskisang-siko ni Chairman Maliksi.

Hindi po ba n’yo napupuna bayan na walang ‘operation’ ang kahit anong law enforcement agencies ngayon laban sa illegal gambling.

May moratorium kuno sa hulihan pagdating sa 1602 ayon na rin sa instructions ng Malacañang. Hindi po ba PNP Chief  Ricardo Marquez at NBI Director Virgilio Mendez  sirs?

May matitindi pang kasunod…

ABANGAN!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 pm. Mag email sa [email protected]

About Rex Cayanong

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *