Friday , July 26 2024

Line up ng oposisyon sa Pasay bagyo sa lakas! (Roxas-Pesebre ang sigaw ng mga Pasayeños!)

00 rex target logoBUO na ang powerhouse line up ng United Opposition sa Pasay na kinakatawan ng mga bigating pangalan sa politika ng siyudad at incumbent officials sa pangunguna nina former Congressman Dr. Lito Roxas, former Congresswoman Connie Dy at former Mayor Peewee Trinidad.

Pinangungunahan ni UNA Pasay City Chairman Dr. Roxas ang ticket ng opposition bilang kandidato sa pagka-alkalde, bise alkalde naman ang incumbent & unbeaten Vice Mayor Marlon Pesebre.

Sa district 1, nasa line up of course ang better-half ni Dr. Roxas na si Councilor Jenny Roxas; Ariel Pesebre, utol ni Vice Mayor Pesebre; Tino Santos, esposo ni outgoing Councilor Grace Santos; Pat Ibay, maybahay ni outgoing Councilor Lex Ibay; Nelfa Trinidad, maybahay naman ni former Mayor Peewee Trinidad; and last but not the least, comebacking Councilor Bing Petallo.

Sa district 2, binabanderahan nina Councilors Allan Panaligan at Bong Tolentino ang strong ticket ng oposisyon kasama sina comebacking Councilors Yllana Ibay at Onie Bayona, ang De La Salle Public Administration graduate na si Julian Roxas, anak ni Dr. Roxas at Jun-jun Mitra. 

Sa lone Congressional seat ng Pasay, inaasahang hahamunin ni outgoing Councilor Grace Santos ang pakendeng-kendeng at pagewang-gewang na incumbency si Congresswoman Emi-Calixto-Rubiano.

As of this writing, naka-schedule na magsumite ng kani-kanilang Certificate of Candidacy (COC) ang Roxas-Pesebre Team ng United Opposition  nitong Thursday, October 15.

Bago ito, isang misa ang nakatakdang ganapin sa Sta. Clara Church, 8:00 ng umga, saka sabay-sabay na magtutungo sa Pasay City Comelec Office ang buong tropa.

Inaasahan ding sasama sa pagpa-file ng COCs ng United Opposition ang libo-libong supporters at sympathisers.

Ang Team Roxas-Pesebre ang sinasabing nangunguna ngayon sa surveys after overtaking the slim lead of Calixto-Boyet Del Rosario tandem, registered a few months back.

Inaasahang lalarga pa ang kalamangan nina Roxas at Pesebre laban sa Team Calixto matapos ang filings ng COCs.

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00-3:00 pm. Mag-email sa [email protected]

About Rex Cayanong

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *