This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
IMBES magkatulungan para makamit ang kaayusan at kalinisan sa lungsod ng Maynila ‘e kanya-kanyang galaw ang bawat grupo ngayon diyan sa Manila City Hall.
Sa dami kasi ng mga nagsulputang duplication units cum dagdag-butas ‘e sila-sila na mismo ngayon ang nag-uuntugan at nagsasalpukan?!
Balitang nagkakabundulan na pala ngayon ang Ask Force ‘este’ Task Force Organized kotong ‘este’ Vending (TFOV) at District Parating ‘este’ Public Service (DPS) sa kanilang mga kolektong ‘este’ galaw sa mga vendor.
Ipinang-iikot ngayon nina alyas VICTOR at JON2X ang TFOV sa utos daw ng isang alias DENNIS LAGBU.
Sagasa rin ang isang alias ETAK BABOY na bata raw ni ALEKS M., sa pangongolektong para naman daw sa DPS?!
Diskarte ng mga walanghiya kapag nalaman na mas mataas ang ‘hatag’ sa magkabilang grupo ay biglang magsasagawa ng oplan-hakot ang mga damuho?!
Sonabagan!!!
Ang matindi, nagbilin pa ng kolektong ang TFOV na ‘wag daw maghahatag sa DPS!?
Anak ng pusa!!!
May selosan pa pala sa mga tulisan na ‘to!?
Mukhang nagmamadaling makaipon ang ilang tulisan diyan sa loob ng city hall, Yorme Erap?
Gagamitin ho ba sa kampanya ang kolek-TONG nila?
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com