Friday , December 1 2023

Pacquiao hahawak ng koponan sa ABL

073015 Pacman Mindanao Aguilas ABL

BABALIK ang Pilipinas sa ASEAN Basketball League sa tulong ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Magtatayo si Pacquiao ng koponan sa liga na tatawaging Pacman Mindanao Aguilas.

Tutulong kay Pacquiao sa pagpondo ng Aguilas ang mga negosyanteng taga-Zamboanga na sina Mark Chiong at Rolando Navarro.

“We want to showcase the basketball talents of players from the Mindanao region and that we can play in competitive leagues such as the ABL,” wika ni Aguilas General Manager Sergei Bien Orillo. “Our participation is also a sign of unity and peace in this region. Boss Manny Pacquiao is proud to show the untapped talents and resources from Mindanao, and how beautiful it’s cities are, to the rest of the Philippines and the ASEAN nations.”

Idinagdag ng head coach ng Aguilas na si Nino Natividad na lahat ng mga manlalaro ng koponan ay manggagaling sa Mindanao.

Walang koponang Pinoy ang sumali sa ABL noong isang taon pagkatapos na umatras ang Philippine Patriots (ngayon ay Globalport Batang Pier) at San Miguel Beermen na parehong nasa PBA na.

Magsisimula ang bagong season ng ABL sa Oktubre. (James Ty III)

About James Ty III

Check Also

Pickleball, laro para sa Pinoy

Pickleball, laro para sa Pinoy

UMAASA ang liderato ng Philippine Pickleball Federation na tulad ng kaganapan sa ibang bansa, mabilis …

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

MAGTITIPON ang mga elite na manlalaro sa buong mundo sa loob ng limang araw sa …

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

DINOMINA ng Siargao Dragons ang apat sa pitong events na nakataya at inangkin ang overall …

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

PUERTO PRINCESA — Muling bibigyan ng pagpapahalaga ang mayamang pamana ng kultura ng mga Filipino …

Pagpailaw ng taunang higanteng Belen display

Pagpailaw ng taunang higanteng Belen display

ISINASABUHAY ng Araneta City ang tradisyon nitong Yuletide sa pagpapailaw ngayong taon ng taunang higanteng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *