Wednesday , December 4 2024

Text at call-a-friend sa Allow Entry & Departure imbestigahan!

misonKUNG inaakala ni Bureau of Immigration Commissioner Fred “pabebe” Mison na tapos na ang bangungot niya sa mga lumabas na issues na money making activities at irregularities sa kanyang administrasyon, ‘yan ay isang malaking akala lang.

Ano mang oras ay sasabog na raw ang mga matagal na nilang itinatago na Recall Exclusion Orders and Allow Entry Orders ng katakot-takot na Chinese, Koreans at Bombay.

Alam naman ng mga beterano sa bureau  na pagdating sa nasabing nationalities, mas malamang na may kaakibat itong presyo?

Karamihan raw kasi sa nasabing “Orders” sa mga hepe sa airport ay puro VERBAL at TEXT lang at puro “To Follow” din ang mga dokumento.

Ang balita natin galing sa concerned employees ng Immigration ang mga dokumentadong impormasyon na matagal nang nagtitimpi sa galit sa ginagawa ng “puppies” o tuta riyan sa BI-OCOM.

Lingid sa kaalaman ng BI-OCOM, may nakikipag-ugnayan na sa Kongreso at maging sa Senado para ilabas ang mga nakatagong dokumento na mag-uugnay kung gaano kalaking raket ang sasabog pag lumabas ang mga isyung ito.

Natural pilit itong itatanggi ng BI OCOM. Sasabihin nila na paninira na naman ito sa kanila.

Magtuturuan sila kaya malamang ang maiipit ay mga taong inutusan para tumawag o mag-text sa Immigration officer sa BI-NAIA?!

Ano kaya ang masasabi nina Atty. Plaza at Atty. Tansinco sa isyung ito?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *