PUMALAG si Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron sa desisyon ng election officer ng Commission on Elections (Comelec) na kaagad tapusin ang beripikasyon ng mga nagsilagda sa recall petition laban sa kanya kahit libo-libo pang pirma ang dapat suriin at beripikahin.
“This is an obvious attempt to railroad the implementation of a sham recall election that was already exposed to contain thousands of fraudulent signatures including signatures of dead people,” sabi ni Bayron sa isang press conference sa lungsod kahapon.
Ayon kay Bayron sa 35,731 lagda sa petisyon, 32,322 pa lamang ang nasuri at naberipika kaya malinaw na minadali ang proseso.
“There remains a total of 3,409 signatures that have yet to be verified, but the election officer assigned to this petition abruptly ended the verification process without offering any justification at all,” diin ni Bayron.
“Clearly, the election officer has unfinished business. This unmistakably shows a total disregard of well-established processes and exposes the petition as an abused course of action to get rid of me at all costs, violating certain rules at the expense of public funds.”
Nilinaw ni Bayron na minamaniobra ang recall bid dahil natuklasan ng mga mamamayan na may pandaraya sa petisyon at nagagalit na ang publiko.
“We respectfully call on the Comelec to exercise its even hand and stop this mockery,” dagdag ni Bayron.
Kamakalawa, nag-rally ang kamag-anak ng mga patay nang nagsilagda sa petisyon upang igalang naman ng mga nasa likod ng kabastusang ito ang mga nasa kabilang buhay.
Ibinunyag ng abogada ng mga botante na si Atty. Jean Lou Aguilar na 14,000 sa mga lagda sa petisyon ang pinalsipika, doble-doble ang pagka-kalista at may pirma maging ng mga patay nang botante.
Nagsampa na si Aguilar ng mga kasong palsipikasyon sa pinuno ng petisyon na si Alroben Goh, dating city information officer ng Puerto Princesa.